Nag-decide si Gwyn na doon na muna umuwi sa bahay niya. Kompleto naman ang gamit doon at regular pa ring nalilinisan dahil every other day pumupunta roon ang tagalinis niya. Pagkatapos ng huling photo shoot niya para sa isa pang magazine cover, umuwi na siya at nagpahinga. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip nang maalala ang offer sa kaniya ng Aligne. It’s a 3-year contract. At sa loob ng tatlong taon na iyon ay malaki na ang maiipon niya. But that could also mean that she needs to stop racing. Mawawalan na siya ng oras para roon. She is now torned between modeling and car-racing. She can’t do both. Parehong kailangan ng maraming oras. Lalo na sa isang kagaya niya na kailangan pa ng training para sa international competition. It’s still her dream. Iyon lang kasi ang bagay na ginagawa

