Payapang nagising si Gwyn kinabukasan dahil wala nang nagbubunganga sa tapat ng kanilang apartment agang-aga. Ibinaba niya ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan at bumaba mula sa kama. Tiniklop niya ang kumot at inayos ang higaan niya bago lumabas ng kaniyang silid. Kahit naman may kaliitan ang apartment na iyon ay mayroon namang dalawang kwarto. Ang isa ay para sa kaniya, at magkasama naman ang kaniyang ina at ang bunso niyang kapatid sa isa. “Good morning, mom,” bati niya sa kaniyang ina nang maabutan itong nagluluto ng almusal sa kusina. “What do we have for breakfast?” Napabuntonghininga siya nang ilapag nito ang prinitong talong at scrambled egg na may sardinas. Ganoon din ang ulam nila kahapon. Lumapit siya sa ref at tiningnan kung ano pa ang mayroon doon ngunit nadismaya si

