Halos sabunutan na ni Gwyn ang sarili habang naglalakad. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang nangyari. Si Trent. Si Trent na playboy pa ang nakauna sa kaniya. "Argh! I hate this!" Mariin siyang napapikit nang maalala kung gaano kayabang ang kakambal ni Trevor noong nag-aaral pa sila. Naglalakad si Gwyn sa pathway sa gilid ng basketball court, hawak ang biniling milk tea at sa kabilang kamay naman ay cellphone niyang kabibigay lang ng kaniyang ama. She always gets the latest model of that most expensive smartphone. Hindi kasi siya pumapayag na gumamit pa ng lumang modelo dahil nawawala siya sa uso. Tatawanan lang siya ng mga bida-bida niyang kaklase. Yumuko siya nang mag-flash ang notification mula kay Trevor. Lumiwanag ang mukha niya at excited iyong binuksan. We need to fi

