Bumungad kay Gwyn ang maputing silid nang magising siya. Nanuot sa ilong niya ang amoy na hindi niya mawari kung ano. Inilibot niya ang tingin sa buong silid. Saka lang niya napansin ang kaniyang ina na abala sa kausap nito sa telepono. “Mom?” Napalingon ito sa kaniya nang marinig ang boses niya. “Anak? Uh, can we talk again later? My daughter is awake now. Thank you.” Nag-aalalang lumapit sa kaniya ang mommy niya at marahang hinaplos ang pisngi niya. Kaagad na nangilid ang mga luha nito kaya nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Napakunot siya nang mapansin ang kakaibang reaksyon ng kaniyang ina. Tila ba may gusto itong sabihin na hindi nito alam kung paano sisimulan. Bumilis ang kabog ng dibdib niya nang pilit niyang inalala ang nangyari bago siya napunta roon sa ospital. Napaluno

