“No! That’s not true!” Pinagpapawisang bumangon si Gwyn at nagpalinga-linga sa madilim na silid. “Trent?” tawag niya sa asawa. Pupungas-pungas namang bumangon mula sa couch si Trent. Inabot nito ang switch ng ilaw at kunot-noong lumapit sa kaniya. “What happened? You were shouting.” “I-It’s the nightmare again.” Kumuha ng tubig si Trent at iniabot sa kaniya. “What nightmare?” He sat on the bed, a meter away from her. Umiwas siya ng tingin. He couldn’t even stay closer to her. Wala naman siyang sakit na nakakahawa. Bagama’t nag-aalangan ay ikinuwento niya rito ang panaginip tungkol sa nangyari sa presinto at sa ospital na paulit-ulit niyang napapanaginipan. “You should seek help. May kakilala akong psychologist—” “Hindi ako nababaliw, Trent!” He raised both his hands to c

