Kinagat ni Gwyn ang labi niya habang nagpapatuloy pa rin sa pakikinig sa usapan ng mommy niya at ni Trent. “Would you mind if I wait her here?” “Oh, of course not, hijo. Maupo ka muna at maghahanda na ako ng almusal. Mamaya lang e bababa na rin ang anak ko,” sagot naman ng kaniyang ina. She swallowed the lump in her throat and wiped her tears away. Pumasok muna siya sa kaniyang silid para i-check ang sarili sa salamin bago muling lumabas. Patay-malisya siyang bumaba ng hagdan. Sinadya niyang hindi tumingin sa sala at dumiretso na kaagad sa kitchen. “Good morning, mom!” Pilit niyang pinasigla ang boses at niyakap ito sa likod habang abala sa paghahanda ng pagkain. “Good morning, anak. Naghanda ako ng favorite mong almusal. Maupo ka na riyan at kakain na tayo—teka, wala ka bang nap

