Katatapos lang ng fan meeting ni Gwyn nang samahan i-guide siya ng security sa secured na exit sa mall. She felt so tired and she just want to go home. Bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan nang maalalang uuwi na naman siyang mag-isa. Hindi kasi naging maganda ang pag-uusap nila ni Trent bago ito umalis para sa business trip nito sa Australia. Isang linggo raw ito roon. Inamin ni Trent na nagkaroon ito ng problema dahil sa paglalabas ng malaking halaga ng pera at iginiit naman niya na bayaran iyon kahit installment na lang pero hindi naman ito pumayag. Hanggang sa humantong na sila sa pagtatalo. Mabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi na iyon napapansin ni Gwyn sa dami rin ng trabaho niya. Hindi niya akalain na magiging mabilis siyang makakarating sa tuktok ng karera niya. Mar

