Nagtagis ang bagang ni Gwyn at patagong ikinuyom ang kamao habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa. “Gold digger, huh? As far as I know, wala akong hiningi kay Trent even a single peso! Ikaw, anong tawag sa ‘yo? Slut? Desperate?” Nanlaki ang mga mata ni Charmaine sa sinabi niya at itinaas ang kamay para sana sampalin siya pero naagapan iyon ni Trent. “You’re not hurting anyone, Charmaine,” mahina ngunit mariing sabi ni Trent. “How dare you call me a slut? Ang kapal naman ng mukha mo! Don’t act as if your marriage is real! Alam kong umaarte lang kayong dalawa.” She laughed sarcastically. “Really? Journalist ka, ‘di ba? So magaling kang mag-research ng ‘facts’. Bakit hindi mo gawin para may ebidensya ka sa sinasabi mo? You know, gossips remain gossips without evidence from relia

