“I only have two hundred million in my bank accounts, Dance, that’s why I can only ask to borrow three hundred million from you. Thank you! I promise, I’ll pay you once I’ve paid for my endorsements.” “Whenever you’re able, Gwyn. Hindi naman kita pine-pressure, e.” Kinindatan siya ni Moondance bago nito ibinalik ang tingin sa hawak na Ipad habang nakasakay sila sa van patungo naman sa venue ng contract signing niya sa Everdeen Skin. She will be endorsing their beauty products. Nakahinga siya nang maluwag kahit papaano. Next week na kasi ang guesting niya sa show ni Charmaine kaya pinaghahandaan niya iyon nang husto. Madali lang naman i-process ang hinihiram niyang pera kay Moondance kaya hindi na siya mahihirapan doon. Ang problema na lang niya ay kung paano iyon sasabihin kay Trent. H

