Tapos lalo siyang natawa ng iika ikaw ako na pumunta sa fitting room. Sinundan pa ako ng isang sales lady pero sinenyasan ko siya na kaya ko na. Busy iyong iba sa pag papacute kay Attorney habang namimili pa ito ng mga damit doon. Ang lalandi. Sabagay hindi ko naman sila masisisi. Pantasya kase talaga ng bayan ito. Ishare ko naman si Attorney kase hindi naman nila makukuha si Attorney kase akin na ito. Hinubad ko iyong short na suot ko. Napasimangot ako kase iyong bestida na ibinigay sa akin ni Attorney turtle neck pa. Sleeveless nga siya pero turtleneck naman. Wala manlang kabutas butas. Fit nga siya sa katawan pero nakakaloka talaga! Mas komportable ako sa crop top at short! And then sneakers! Ayoko ng heels! I hate dresses and heels. "What the!" Nagulat pa ako ng bigla nalang pumaso

