"Napaka friendly talaga nitong asawa mo, Dennis!" Hirit pa ni Macario. Nagtawanan na naman kami. Pinalo ko na naman siya sa braso ng ubod ng lakas. Napa aray na naman ito. Pigil na pigil iyong sigaw nito. Piniga ko pa iyong balikat nito. Nagtawanan na naman kami kahit napapangiwi ito sa sakit. "Friends!?" Sabi ko pa at inilahad ko iyong kamay ko kay Danny. Tinaggap nito iyon. Piniga ko ng malakas iyong kamay nito at pasimple ko din siyang hinampas sa tyan niya. Napaaray din ito dahil sinigurado ko rin na malakas iyon. Hindi nila alam. Hindi ako marunong magpatawad. Gaganti ako sa paraang alam ko. "Siguro naman mga nag kakaintindihan na tayong tatlo, hanoh?" Nakangiting sabi ko sa kanila habang parang mga baliw kaming nagtatawanan. Tumango silang dalawa. "Maliwanag na maliwanag pa sa s

