"Ano ba naman yan, Daisy? Talagang sumabay pa yan? Hindi mo manlang napakiusapan? Akala pa naman namin ni Ekang may maichichismis na kami ulit sa group chat namin ng mga amiga kong mayayaman. Wala naman pala! Ang boring! Parang itong pagkain! Hindi ko malasahan kaya hindi ako mabusog busog! Sino ba ang nagluto nito at papagalitan ko lang." sabi na naman ni Auntie. "Sta. Maria kailan ka ba naman kase nabusog? Kaya iyong byanan mo binabalak ka na naman idyeta kase ang takaw takaw mo!" Sabi ni Rizza Mae. Napahinto kami sa pag uusap ng marinig namin na parang may tumatawag sa pangalan ko. "Daisy! Daisy! Talked to me!" Sabay sabay pa kaming napatingin doon sa labas ng gate ng marinig ko iyong boses ni Macario. Napasimangot ako. Ano na naman kaya ang problema nito? "Madamu, ano otoko to nan

