"Tulungan nyo akong awatin! Mga gago!" Sigaw ni Thunder sa mga kaibigan niya ng hindi nito mabaklas si Attorney kay Macario. Sinenyasan ko ulit iyong mga tauhan ko na huwag maki alam. Napangisi pa ako. Siyang siya ako ngayon sa nangyayari kay Macario. Kahit kailan napakainit ng dugo nito sa akin. Samantalang wala naman akong ginawang masama sa kanya umpisa palang. Sila nga ang may kasalanan palang unang pagkikita palang namin. Kasalanan ko bang maging maganda? Kung kasalanan kong maging kaakit akit para sa kaibigan nila hindi ako mag sosorry. Napahagikgik pa ako sa naisip ko gayong binubugbog ng asawa ko iyong kaibigan niya. I just shrugged my shoulder when Thunder smirked at me. I even flipped my hair. Lalo itong napailing. Mukang alam niya na wala akong kabalak balak umawat. "How da

