CHAPTER 2

1462 Words
"Oh, anak!" mabuti naman, at bumababa kana. Maupo kana sa tabi ko, kakain na tayo." nakangiting sabi, ni Don Manolo kay Raya. Ipinaghila niya ito ng upuan sa tabi niya. Nakasimangot si Raya, habang papalapit sa Ama. Na ipinag tataka naman ni Don Manolo, pero hinayaan na lang niya ang anak. "Ikaw Matthias iho? Sige na. maupo kana diyan, sabayan mo na kami sa hapunan." sabi nito kay Matthias, habang itinutoro naman ang katapat na upuan ni Raya. Nanatili naman nakatayo parin si Raya, sa tapat ng upuan na hinihila ng kanyang ama. Hindi ito kumilos. Tiningala naman ito ni Don Manolo, pinagmamasdan, maigi ang itsura ng anak. Gusto niyang matawa, ano na naman kaya ang problema nito. Humalukipkip naman si Raya, habang karga karga ang manika niyang si Vicky. Hindi malaman kung uupo ba o tatayo nalamang. Nanatiling naka masid lang si Matthias sa mag ama. Nangingiti siya ng lihim, sa reaction ni Raya. Sigurado siya, may naisip na naman itong hilingin sa ama. Alam na niya ang bagay na iyon, pero kahit anong hilingin niya, ay hindi naman pwedeng basta, na lang ibigay ng matanda. Napa iling si Matthias, ng magsalita si Raya, na ikina gulat naman ni Don Manolo. "Ayaw po kita kabati, daddy ko! Ayaw!" sigaw ni Raya sa ama, saka umiling iling. "Oh. Eh, bakit ba? Hindi mo ako kabati, may nagawa ba akong, hindi maganda sayo anak?" mahinahong tanong, ni Don Manolo. Pinipigilan ang matawa, kasi naman ang itsura ng kanyang anak, pailalim ang tingin sa kanya, at iniirap irapan pa siya nito. Pag ganito ang itsura nito, ay alam na niya, may na iisip na naman itong mga kalokohan, na imposible namang mangyayari. Kinabahan naman si Matthias, akala niya, isusumbong na siya ni Raya, na kakainin niya ito. "Kasi po daddy ko. Tagal tagal mo po, pakasal, sa Nanay Openg ko." aniya sa ama. "Bait po siya sakin e, lagi niya po, kami alaga ni Vicky, love daw po niya kami." patuloy na salita ni Raya kay Don Manolo. habang padabog na umupo sa tabi ng kanyang ama. pinaghila din ni Raya ng upuan, ang Manika niyang si Vicky. At pinaupo doon, nakahinga naman ng maluwag si Matthias. Iba pala ang tinutukoy ni Raya. Akala niya, magsusumbong ito na kakainin niya. Lagot sana siya, sa Ninong Manolo niya pag nagkataon. Nakakahiya. Si Vicky naman, ang manika ni Raya. Ito ang nagsisilbing kaibigan, at kalaro nito, habang ito ay lumalaki. Regalo rin ito, ni Don Manolo mula ng mag isang taon si Raya. Lagi itong itinatabi ni Don Manolo kay Raya sa pagtulog. Hanggang ngayon, na dalaga na, at disisyete anyos na nga ito, ay naka lakihan na nito na laging katabi, at kasa kasama, kahit saan man ito magpunta. "Anak." Aniya ni Don Manolo sa anak na si Raya. Nagkatinginan pa sila Matthias, bago nito ipinagpatuloy ang pagsasalita. Huminto naman muna ni Matthias, sa kanyang kinakain. Hinintay nito na magsalita si Don Manolo. "Anak. Makinig ka ha?" aniya ng matanda. "Matanda na si Daddy, hindi na ako mag aasawa pa. Saka isa pa, ikaw nalang ang aalagaan ko." sagot nito kay Raya. Pilit nitong pinaunawa sa anak, na may mga bagay na hindi basta pwedeng mangyari o basta na lang makuha kapag nagustuhan. "Pag old, na po ako daddy. Hindi na po ako, kaya na mag alaga sayo eh! Hindi po ako, marunong alaga sayo daddy ko." sagot naman nito sa ama. Mataman lang naman nakikinig si Don Manolo, sa tinuran nang anak. Tama nga naman ito, hindi siya kayang alagaan nito, kahit pa tumanda na siya. Dahil si Raya, ay alagain din. Kahit na ganito ang kalagayan ng anak niya, ay siya pa rin ang iniisip nito. Hindi siya umimik. Ipinagpatuloy ang kanyang pa udlot-udlot, na pagkain. Si Matthias naman ay ganun rin, at panaka nakang sinisilip ang pang bisig na orasan. Si Raya naman, ay sumubo narin ng kanyang pagkain bago muli nag nagsalita. "You know po, daddy ko?" Nanay Openg ko po. She's like you, before po eh!" pabulong na sabi nito sa ama, na dinig na dinig naman ni Matthias. Pilit talagang pinagpipilitan sa ama ang gusto niya. Halos nabilaukan naman si Don Manolo, sa tinuran ni Raya. Sunod sunod ang pag ubo nito. Agad naman kumilos si Matthias, at inabutan ng tubig ang matanda, para kumalma. Si Raya naman ay ngiti ngiti pa, habang nakatingin sa kawalan. Balewala lang dito ang nangyari sa ama, na sunod sunod na pag ubo, at masayang masaya pa, na nagustuhan ni Nanay Openg ang kanyang ama. Matagal ng iniririto ni Raya si Nanay Openg sa ama niya. Lagi naman tinututulan ni Don Manolo. Gustong gusto ni Raya maranasan ang magkaroon ng isang Ina, na hindi niya naranasan mula nang siya ay isinilang. Si Nanay Openg, ang gusto niyang mapangasawa ng kanyang Ama. Sapol ng maliit pa siya ito na ang nag alaga, at nagpalaki at nagsilbing ina niya. Habang si Don Manolo naman noon, ay patuloy ang pag tratrabaho para para mapalago pa ang kanyang negosyo. At pagdating ng araw ay may pang suporta siya kay Raya. Na kahit busy rin sa trabaho niya, ay hindi pa rin napapabayaan ang anak na si Raya. Sino pa nga ba? Ang magkakagusto sa edad niya, na 75 years old na. Wala na siyang balak pang mag asawa. Dahil buong buhay niya ay inilaan na niya sa kaisa isang anak. Pero kahit ganoon ang edad niya ay malakas pa rin naman siya. Iyon nga lang, talagang wala na siyang balak pang mag asawa. Kuntento na siyang, ibuhos ang lahat ng atensyon, at pagmamahal sa anak. Maya maya pa ay tinawag ni Raya si nanay Openg. "Nanay Openg ko po, halika po ikaw!" malakas na sigaw ni Raya, mabilis naman lumapit si Nanay Openg. Kahit na marami itong ginagawa, basta tinawag siya ni Raya agad itong lumalapit. Tinuring na rin ni Nanay Openg, na parang tunay na anak si Raya. Hindi na nga rin siya nakapag asawa pa noon, sa kadahilanan rin na may mga kapatid, pa siya na mga pinag aral noon sa probinsya. Mahirap lang din, ang buhay nila sa probinsya. Natatanda pa niya noong kabataan niya, madalas din siya kumuha ng mga labahan, para makatulong sa magulang niya. Siya lang din naman, ang inaasahan ng mga magulang noon. Panganay na anak si nanay Openg, apat sila na magkakapatid at tatlong mga batang puro lalaki ang iba pa niyang kapatid. Pero ngayon lahat ito ay itinaguyod niya ang pag aaral, at napag tapus, dahil na rin sa kanyang pagsisikap. Napakahirap ng buhay ng pamilya nila noon, nagtatanim lang ng mga kamoteng kahoy, at gabi, sa bukid, ang kanyang Ama at Ina. sakai nilalako sa palengke. Nagpasya siya, na lumuwas ng Manila para makapag trabaho. Ipinasok siyang kasambahay, ng kanyang matalik na kaibigan kay Don Manolo, kinuha naman siya nito bilang tagapag alaga kay Raya. doon na siya nag simula mag ipon, dahil malaki naman ang sahod niya kay Don Manolo. Tinustusan niya ang pag aaaral ng mga kapatid sa probinsya,at pinatayuan rin niya ng maliit na sari-sari store ang ina. Nang makalapit si Nanay Openg sa alagang si Raya, ay agad naman ito na naupo sa tabi nito. "Nanay Openg ko po! sabi nito. "Gusto ko po. Ikaw po, asawa po, ng daddy ko." malambing at ngiting- ngiti nitong sabi kay Nanay Openg. Nanlaki naman ang mata ni Nanay Openg, sa tinuran ni Raya. Nagulat at napa sigaw ito. "Ay, Hesus ko po! na bata ka!" aniya, at napa antanda ng krus pa at hindi mapakali sa kanyang kina uupoan si Nanay Openg. Si Don Manolo naman ay, na patungo na laang. Hindi na tinapos ang kanyang pagkain. Iginilid ang plato, at pinag siklop ang mga kamay, at ipinatong sa ibabaw ng lamesa. Si Matthias ay mabilis naman na tinapos ang kanyang natitirang pagkain. Uminom ng tubig, bago tumikhim. " Eheem". agaw attention ni Matthias. "Sya nga po, pala Ninong, mga ilang araw, din po akong hindi makakapunta dito. sabi nito, sinulyapan niya ng bahagya si Raya, na agad rin naman, ibinaling ang tingin sa kanya, ng marinig ang sinabi nito. "Bakit tagal ka po, hindi punta dito Matty? Huli ka po bad guy?" malungkot nitong tanong sa kanya. Tumango tango naman si Matthias. "Yes, baby. Huhulihin ko ang mga bad guy." aniya. "Kaya ikaw, mag good girl ka ha? Huwag matigas ang ulo, habang wala ako." sabi niya kay Raya. " Opo." matipid naman na tugon ni Raya. Nalungkot ito, sa kaalamang, matagal tagal siyang hindi madadalaw ni Matthias. Nang matapos ang kanilang hapunan, agad naman nag paalam na si Matthias, para umalis. Gusto pa sana niyang, mag stay ng matagal tagal, para makasama si Raya. Kaso tumawag na si General Oliver. At pina pupunta siya ng presinto at may mahala raw silang pag uusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD