Pagkarating ni Matthias sa presinto, agad niyang pinarada ang kanyang sasakyan. Pumasok sa loob, binaba niya ang kanyang susi ng kotse, sa ibabaw ng table. Napalingon naman si Aga sa kanya, ang matalik niyang kaibigan, may dala dala itong isang tasa ng kape. Hating gabi, mag ka kape ang luko, inaantok siguro. Bulong niya sa kanyang isipan.
Mag kaklase sila ni Aga, mula noong nag aaral pa sila ng high school, at kolehiyo. At hanggang sa ngayon nga, ay magkasama pa rin sila sa trabaho, bilang mga pulis.
" 'Yon dumating ka rin! Bakit ang tagal mo? Kanina kapa hinihintay ni General."
tanong agad ni Aga sa kanya. Binaba nito sa sariling table ang dala dalang isang tasa na kape, at hinalo halo, pumikit at saka inamoy. "Mmm." Sarap ng kape." turan nito, at maya maya pa ay muling nag salita.
"Usok na naman ang bunbunan 'tol, eh!" pabiro nitong sabi, Sabay lagok sa hawak na mainit na kape.
Na tawa lang naman siya sa kaibigan. Alam rin naman ni Aga na madalas sa bahay nila Raya siya laging nag lalagi.
Minsan na niyang ipinakilala si Aga kay Don Manolo at kay Raya. Noon, isinama niya pa ito, nang mag seventeen birthday si Raya. Malapit na nga pala ulit, ang birthday nito, at mag de-desi otso na si Raya. Paghahandaan niya ang nalalapit nitong kaarawan. Bukod sa matagal na niyang ninanais na, mapasakanya si Raya, gusto rin niya maging special, ang kaarawan nito.
Matiyaga siyang nag hihintay na dumating si Raya sa tamang edad. Pero ngayon konting tiis na lang baby ko, magiging akin ka rin. Nangingiti na bulong ni Matthias sa kanyang sarili. Napa kunot noo, naman si Aga at nagtataka, habang naka masid kay Matthias. Pinagmamasdan niya itong tumatawang mag isa. Nasisiraan na yata ang kaibigan niya.
"Mukhang in love ka 'tol, Ha?" puna ni Aga kay Matthias habang nakangisi. Hindi naman siya pinansin ng kaibigan. Nag patay malisya si Matthias para matigil ang pang aasar sa kanya ni Aga. "Nag pu-puso puso, ang iyong mga mata, na para bang... "A-Aray!" hindi na natuloy ni Aga ang kanyang sasabihin.
Nagulat siya, ng bigla nalang siyang batuhin,ni Matthias ng suot nitong sumblero. Muntik pa itong tumama, sa iniinom niya na mainit na kape. Kung hindi agad niya na salo.
"Gago!" Bilisan mo nga, ang bagal bagal mo diyan mag laklak ng iyong kape. Pupuntahan pa natin si General, ulol!" bulyaw naman ni Matthias kay Aga. Tumawa lang ng malakas si Aga, sa tinuran ni Matthias. Hinagis ni Aga pabalik, kay Matthias ang ibinato nitong sumblero, mabilis naman iyong nasalo ng kaibigan.
Lahat ng malalapit na tao kay Matthias, ay malalapit na rin kay Aga. Para na narin silang magkapatid, kung mag turingan. Nang maubos ni Aga ang iniinom na kape, agad itong tumayo, at nag lakad, bumaling siya kay Matthia at nag salita.
"Pumasok kana sa loob." sabi ni Aga, itinulak pa niya si Matthias patungo sa harap ng pinto ng opisina ni General Oliver. Nang nasa tapat na ng pinto si Matthias, ay patakbo itong bumalik, sa kanyang kinauupuan, at ipinatong pa, ang dalawa nitong paa sa ibabaw ng kanyang table. Umunat ng kunti pahiga, at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo. Bumaling naman si Matthias, paharap sa kaibigan bago mag salita.
"Anong ako lang tukmol! Kasama ka rito luko, lumapit kana dito, at baka masapak pa kita. AGAPITO!" bulyaw ni Matthias sa kaibigan. Pinag diinan pa talaga ni Matthias ang, pangalan ni Aga. Bigla naman ang tayo ni Aga, ayaw na ayaw kasi nitong binabanggit, ng buo ang pangalan niya nakaka rumi daw, at nakakawala ng kanyang kapogian.
"Oo. ito na nga, sabi ko nga, tayong dalawa!" Huwag mo nang mabangit muli, ng buo ang pangalan ko. Naka karumi eh!" inis naman nitong turan.
"A-GA." AGA ACE RAMOS!" ganun lang dapat 'tol. Sagot ni Aga, habang iminu-mustra pa nito ang kanang kamay sa ere. "Alam mo namang artistahin ako eh." patuloy nitong sabi.
Habang ka kamot kamot pa sa ulo. Iiling-iling lang naman si Matthias, at pinihit, na ang siradura ng pinto, ng opisina ni General. At tuluyan ng pumasok sa loob.
"Magandang Gabi po General." panabay pang bati ni Matthias at Aga habang sumasaludo kay General Oliver.
"Oh? Rico, Ramos." Kayo palang dalawa, halika kayo at maupo, may mahalaga tayong pag uusapan." tugon naman ni General habang tinuturo, ang magkatapat na upuan, sa harap ng table nito. Agad namang naupo ang dalawa.
Pag upo na pag upo ng mga ito ay may inabot na agad na papel sa kanila si General. Binuklat nila ito at binasa, listahan ito ng mga ilegal na gawain. Napahawak si Matthias sa kanyang baba habang nag babasa.
"Blue Waves Bar." 'yan ang pangalan ng bar na papasukin ninyo sa santa Lucia." panimula agad na turan ni General Oliver.
"Tuwing gabi, lang sila nagbubukas, at mga batang babae pa, ang binebenta sa mga parokyano. Dapat maagapan ninyo ang mga satanas na mga 'yan!" wika ni General sa tono na may pag kainis.
Sunod sunod na tango naman ang sinagot ni Matthias at Aga. Habang nakikinig kay General. Si Matthias naman ay nag iisip na, kung paano ang kanyang mga hakbang na gagawin. Para mapatumba, ang pinuno ng mga ito. Alas Diyes ng gabi, ganoong oras, nagbubukas ang bar, at ala singko, naman ng umaga ito nag sasara.
Black Master ang pangalan ng pinuno ng mga ito. Masyadong mailap daw, at magaling magtago ang taong ito. Pero hindi niya ito tatan-tanan, hanggat hindi niya ito nahuhuli.
Masyado ng maraming nasasayang na mga buhay. Lalo na, ng mga kabataan, dahil sa mga ilegal nitong gawain.
Kailangan pasokin niya ang pagawaan, nito ng mga ipinagbabawal na gamot, at ang mga kawawang kababaihan na pinagkakakitaan nito, at binebenta ng gago, sa mga mayayamang parokyano para kumita ng malaki.
"Oh, pano Rico? Kayo na ang bahala ni Ramos diyan!" seryusong wika ni General.
"Sige po. General, kami na po ang bahala ni Matthias dito, makakaasa po kayo."
tugon naman ni Aga. Basta sa trabaho, ay seryosong tao si Aga, silang dalawa, ang madalas pinaghahawak ni General ng mga ganitong klaseng kaso. Tumango tango naman si General bilang sagot.
Tahimik lang si Matthias, pinag aaralan, parin niyang mabuti kung ano ang mga hakbang niyang gawin. Para sa pag suong, sa kanilang bagong misyon.
Lahat ng makakaya, niyang gawin ay gagawin niya. Hindi dahil, sa trabaho niya iyon. Kundi, para iligtas, ang mga kawawang kabataan, na nalulong sa mga ilegal na gawain. At ang mga kababaihan, na maaga naman na nagbebenta ng kanilang katawan. Para kumita ng pera, nang matapos ang usapan nila, ay nag paalam na si Matthias, at Aga kay general. Pag labas nilang dalawa, sa opisina ni General, ay agad siyang nag tungo naman, sa kanyang sariling opisina. At si Aga naman ay ganoon din.
Pagpasok niya sa loob, binuhay niya ang aircon, at ibinaba sa table niya, ang papel na binigay ni general. Hinubad niya ang kanyang suot ng leather, na jacket na itim. At sinampay sa likod, ng kanyang swivel chair, saka umupo at inunat ang likod.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata, saka hilot-hilot, ang gilid ng kanyang sintido. Sumakit ang ulo niya, sa pag iisip.
Nang bigla, na naman siyang napangiti, ng pumasok sa kanyang balintataw, ang napaka amo, at napaka gandang mukha ni Raya. Lalong lalo na, ang mapupula nitong labi, na parang kay sarap halikan. Namimis na niya agad ito. Parang ayaw na niya laging nawawala, sa paningin niya si Raya. Halos doon na nga siya tumira, sa bahay ng mga ito. Minsan, nagtatampo na nga rin ang kanyang mama, dahil daw, madalang na raw siyang umuwi ng bahay.
Hindi naman tumutotol ang mama niya, sa lahat ng bagay, na gustuhin niyang gawin. full support, ito sa kanilang dalawang magkapatid na si EJ. Lalong lalo na, nang mapalapit siya kay Raya. Dahil, matalik din na magkaibigan ang Ama, ni Raya at ang kanyang Ama. Madalas nga na iniririto noon, ng mama niya si Raya sa kaniya. Dangan nga laang, at batang bata pa noon si Raya, ayaw naman niyang samantalahin, ang kabataan nito, lalo na at ganito pa ang sitwasyon nito.
Pero ngayon, malapit na itong mag desi otso, hindi na siya makapag hintay pa. Alam niyang, mahal na niya si Raya. Noon pa man, hindi lang niya ito binibigyan ng pansin, sa kanyang sarili. Masayang masaya siya, kapag kasama niya ito. Kahit simpleng bagay lang, ay napapangiti na siya nito. Kaya lahat ay gagawin niya, para protektahan ang dalaga, kung paano ito alagaan at mahalin ni Don Manolo, ay mas hihigit pa siya.