CHAPTER 4

1281 Words
“Boss, handa na lahat ng transaction, hintayin nalang natin dumating si Mr. Jang." Wika ng isang lalaki na marami ang tattoo sa katawan at kulay dilaw ang buhok. Lumingon naman ang tinawag na boss saka tumango tango. “Good, ang mga babae dumating na ba?” tanong ng boss sa mga tauhan, habang humihithit ito sa hawak na tabako. “Hindi ko lang alam boss." sagot naman ng lalaki na marami ang tattoo. “Tawagan mo si Balong, itanong mo kung dumating na ang mga babae.” Autoridad nitong utos sa tauhan. Mabilis naman kumilos ang lalaking inutusan nito, kinuha ang telepono at nag dial. “Boss, nasa casa na daw ang mga babae, pero may naiwan na dalawa, humabol daw boss nasa Blue Waves bar daw boss." Mahabang turan nito sa amo, agad naman napa tayo si Black Master sa kina uupoan nito ng marinig ang sinabi ng tauhan. Si Black Master ang tinatawag nilang boss, pinuno ito ng mga sindikato sa bansa, at ang target ng mga ito ay ang maya-yaman na mga negosyante. Katulad ni Mr. Jang. Si Mr. Jang ay isang sikat na negosyante. Marami itong mga negosyo tulad ng mga sikat na Mall at mga Hotel. Kaya kong masusungkit niya si Mr. Jang, siguradong tiba tiba sila. “Give me that f*****g phone!” Singhal ni Black Master sa tauhan, saka hinablot ang telepono nahintakutan naman ang ang lalaki na marami ang tattoo. "Boss. May dalawang magandang babae dito boss, hinahanap ka." Aniya sa kabilang linya. “Sige papasokin mo sa vip room, hintayin kamo nila ako doon, at ako ang wawasak sa mga puri ng mga 'yan." nakangisi na parang aso na sagot ni Black Master sa kausap sa telepono. Saka ito bumalik sa kina uupoan, at muling nagsindi ng tabaco, at bumuga ng usok sa kawalan. Makalipas ang ilang minuto nakarinig sila ng katok, lumapit sa pinto ang lalaki na marami ang tattoo at binuksan ang pinto. “Boss si Mr. Jang ang dumating." Sabi nito sa amo, lalo naman lumawak ang ngiti ni black master. Pinatay ang tabaco at saka tumayo para e welcome ang bagong dating. "Magandang hapon Mr. Jang!" Masayang bati Black Master, kay Mr. Jang. Saka ito nakipag kamay. Itinituro nito sa matanda ang upuan na nasa harap ng table nito. “Thank you." tipid naman sagot ni Mr. Jang saka ito umupo. “So , I came for our transaction, is everything alright?” walang paligoy ligoy na tanong ni Mr. Jang. “Yup! Masyado naman ata kayong nag mamadali Mr. Jang. Relax!" Sarkastiko ang sagot ni Black Master, saka ito tumayo at kinuha ang isang attached case, na naglalaman ng mga ipinagbabawal na gamot. Ipinatong sa lamesa at binuksan, agad naman itong tiningnan ni Mr. Jang, at sinuri isa isa. Para hindi ito nakuntinto sa nakita. Umiling iling ito bago nag salita, “Is this all? For worth, one hundred and fifty million? No! I will not pay, that’s expensive!” Bulaslas nito sa pagka dismayong boses. Agad na tumayo at nagtangka na umalis, hindi ito kumbinsido sa mga nakita. “Saglit lang Mr. Jang! Hindi naman pwede na ganoon may deal tayo remember?" Sagot ni Black Master. "Yes! But i'm not stupid! Hindi ako magbabayad ng ganyan lang konti, ang ibibigay mo sa akin?!" Inis na sagot ni Mr. Jang. Negosyante ito kaya alam niya kung paano ang mga kalakaran sa mga negosyo mautak si Mr. Jang, at ayaw din nitong nalalamangan siya. "Mr. Jang. Pwede naman natin itong pag usapan sa mababang halaga, magkano ba ang gusto mo?” Pag Kumbinsi ni Black Master, kay Mr. Jang. Pero ang matanda ay buo na ang desisyon. “Sorry, Black Master, pero nag bago na ang isip ko, sa iba nalang ako kukuha." Ani Mr. Jang saka tuluyan ng lumabas. Nag init ang ulo ni Black Master sa narinig, ng makaalis si Mr. Jang agad pinag sisipa nito ang kanyang table nanlilisik ang mga mata sa galit, ilang beses rin na sinuklay ang kanyang buhok. Nanghihinayang ito sa napakalaking pera na sana ay nasa kamay na niya ngayon. Hindi niya akalain na gano’n kawais ang hapones na ‘yon. Tumayo si Black Master sa kina uupuan nito, hindi ito mapakali, lakad paroon at parito,hindi ito nakatiis lumapit ito sa telepono at tinawagan ang tauhan. “Danilo, kill that f*****g old man!” Bulyaw ni Black Master sa tauhan nito, hindi na hinintay na makasagot at basta na lang ibinato ang telepono. Lahat na lang ng mga bagay na nakikita nito sa harapan niya ay pinagbabato dahil sa galit. Nasa parking lot na ng casa si Mr. Jang, ng tambangan ng mga taohan ni Black Master. Agad pinaputukan ang sasakyan ng negosyante, nakipag palitan din ng putok ang mga bodyguard ni Mr. Jang. Tumagal ito ng tatlong pong minuto. Tumigil ang palitan ng putok, may ilang duguan sa mga tauhan ni Black Master. At lahat naman ng mga bodyguard ni Mr. Jang ay patay at sa kasawiang palad ay kasama na rin ang matandang negosyante. Masayang masaya naman na nagdiwang ang kalooban ni Black Master sa ibinalita ng tauhan nito, na patay na raw si Mr. Jang. Hindi mo kilala ang binangga mo tanda. Bulong nitong sabi sa sarili, saka humalakhak ng malakas. Mabilis naman napa balita sa telebisyon at mga pahayagan ang nangyari pag patay kay Mr. Jang. Nakarating din naman agad ang balita kay Matthias ng gigil ito sa galit gustong gusto na niyang mapatumba ang pinuno ng mga adik na ito. Wala ng inaksayang panahon pa si Matthias kailangan niya maka isip agad ng paraan para mahuli ang mga ito. Ang tanging pumasok sa isip niya, kailangan nila ni Aga na magpanggap na babae. Kahit labag sa kalooban niya magsuot ng pambabaeng damit, kailangan niya itong gawin hindi dahil sa misyon nila kundi para iligtas ang mga kawawang minor de edad, na pinagkakakitaan ni black master. Inilabas niya ang kanyang cell phone tinawagan ang kaibigang ng kanyang mama na parlorista. “Yes, hello fafa Matty what can i do for you?” malanding tanong ni Emy sa kabilang linya. Napangiwi naman si Matthias sa kawalan kahit hindi niya ito kaharap. Sinabi niya ang mga detalye sa lahat ng kakailaanganin nila ni Aga sa misyon nila. Mabilis naman nakuha ni Emy ang lahat ng ibig niyang sabihin. Habang hawak parin ang kanyang cellphone, matamang tinititigan nito ang mga picture nila ni Raya. Nangingiti nanaman siyang mag isa. Madalas siyang ganito basta mapag solo siya. Namimiss na niya si Raya, ang napaka amo nitong mukha, ang makinis nitong bala at magandang hubog ng katawan at higit sa lahat ang maganda nitong ngiti na lagi niyang na kikita sa kanyang balintataw kahit hindi niya ito kaharap. “Aarrkk.” Bulong nito sa isip habang hinihalamos ang mga palad sa mukha. Nakaramdam siya ng init ng katawan, agad itong tumayo kinuha ang dalang damit sa knyang drawer. Lagi siya may dalang extrang damit sa presinto, ng makuha ang damit pamasok ay nag tuloy na ito sa toilet. Mabilis itong nag hubad ng damit, binuksan ang shower, tinapat ang katawan hinayaan lang niya na bumagsak ang tubig sa kanyang buong katawan, para mawala ang init na nararamdaman. Hindi na niya mabilang kong ilang beses siyang nagkakaganito basta pumapasok sa isip niya si Raya. Hindi niya maitatanggi sa sarili niya, na mahal na niya ang dalaga. Wala siyang pakialam kung ano pa ang kalagayan nito. Basta sigurado siya sa sarili niya, na mahal na niya ito. Hanggat kaya niyang protektahan si Raya ay gagawin niya. Kung gaano ito kamahal ni Don Manolo, ay mas hihigitan pa niya, mabilis niyang tinapos ang paliligo, nagbihis ito at saka lumabas na ng kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD