PROLOGUE PART 1
PROLOGUE:
SHANTALIA POV's
MY TEARS can't stop falling.
Halos magkakalahating oras na akong nakatingin sa picture frame ng aking ama, pilit kong isinisiksik sa aking utak na wala na siya, I miss him so much alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon, ang tanging alam ko lang ako na ang bahala sa mama at kapatid ko, kung maibabaik lang ang panahon sana tinulungan ko ang daddy ko saaming kumpanya, hindi sana kami niloko ng mga taong pinagkatiwalaan namin, hindi sana nawala ang daddy ko, till now I can't stop blaming myself.
Nag simula nanamang umagos ang mga luha sa mga pisngi ko simula ngayon ako na bahala sa lahat.
Sandali ko pang tinitigan ang litaro ng aking ama bago ko inayos ang sarili ko at lumabas na ng kwarto siguradong inaantay na ako para mag hapunan.
Pag labas ko ng pintuan agad kong nabungaran ang ngiti ng aking ina.
"how are you anak? okey kana ba? everything will be fine anak," pilit ang ngiting iyon ng aking ina, alam kong nagpapaka tatag lang siya para sa amin ng kapatid ko.
Tumayo ako para yakapin siya.
"Kaya natin to mama tayo pa ba? alam kong hindi tayo pababayaan ni daddy nandiyan lang sya binabantayan tayo." alam kong sa simpleng pag yakap kong iyon sakanya, napawi ang lungkot na nararamdaman niya.
1 MONTH LATER
Isang buwan na ang nakakalipas, nababawasan na ang savings namin ni mama, may naiipon pa naman kami pero hindi naman kami pwedeng mag pakampante.
May kanya—kanya kaming savings ni mama pati na rin ang kapatid ko, parang inihanda na talaga ni Daddy ang lahat bago ito mawala.
Pero kahit ganon kailangan ko pa rin mag trabaho kailangan kong makausap ang lolo at lola, mga magulang ni papa para mag trabaho sa kanilang kumpanya ng sa ganon may pang gastos sa mga bayarin dito sa bahay at para na rin sa pag—aaral ni bunso.
Highschool pa lang siya, kaya ito na siguro ang panahon para mag trabaho sa kumpanya nila lola.
Saglit akong natigilan sa pag iisip nang biglang mag vibrate ang cellphone ko, tumatawag ang bestfriend kong si Allyson, Ally for short boring nanaman siguro ito.
*Bzzzzzt* *Bzzzzzt*
"Mmm, Ally?" Tinatamad kong sinagot ang tawag nya.
"Ayy! ang perfect ng bestfriend ko, tamad na tamad yarrrn?" kahit kailan talaga full energy itong bruhang kaibigan ko na to.
"Hmm yeah, alam mo naman boring dito sa bahay, bakit ka nga ba napatawag?"
Usisa ko sa kanya at sigurado may kalokohan na naman itong naiisip.
"Soooo, ayun nga since bored ka tara mag party, G ka?" Excited na tanong ni Ally,
"Ally, alam mo namang hindi ako pumaparty," may pag aalinlangan sa sagot ko.
Kasi sa totoo lang sa edad kong to, taong bahay lang ako, hindi ako mahilig pumarty takot ako sa mga bagay na pwedeng mangyari pag nalasing ako, baka hindi ko makontrol ang sarili ko.
"Ano ka ba, ako din naman diba? hahaha try lang natin kasama naman natin si Claire at Joshua,"
Napaisip naman ako, since boring nga naman dito sa bahay mukhang maganda nga ang idea ni Ally, makalimot manlang ng konti sa problema kasama naman yong dalawa pa naming kaibigan na si claire at Joshua maldita.
Yes bakla nga po pala si Joshua, mas maharot pa sakin. HAHAHA
"Sige na nga daanan mo ako dito sa bahay? ipagpaalam mo ako kay mama, Ano G?"
"Sige Na nga G! gayak kana ha? 6pm nandiyan na kami." excited na saad ni Ally,
"Okey, " Ibinaba ko na ang tawag.
Pagtingin ko sa wall clock mag a-alas singko na ng hapon.
Agad akong nag gayak dahil siguradong hindi masusunod ang oras na sinabi ni Ally.
Limang minuto na akong nakatayo sa harap ng closet, hindi parin ako nakakapili ng maisusuot baka mamaya nandiyan na si allyson.
Inuna ko na munang mag ayos ng buhok, pinatuyo ko na ng blower ang buhok ko.
Mas okay siguro kung ikukulot ko na lang ito tapos light makeup lang, Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko, tinawag ako ni mama at sinabing nasa labas na si ally.
"Anak nasa labas na si allyson may pupuntahan daw kayo?" Tanong sakin ni mama, nag tungo sya sa likuran ko at hinaplos ang buhok ko.
"Opo, kung okey lang po ma?" Kinakabahang tanong ko baka kasi hindi ako payagan.
"Sige lang anak ng maka pag unwind ka, alam ko kung gaano ka na i-stress nitong mga karaan dahil sa pagka wala ng daddy mo, but promise me mag iingat kayo ha?" May pag aalalang saad ni mama.
"Yes! mama promise makakaasa po kayo,"
"Okey anak, papasukin ko na si ally dito ha?"
"Opo mama salamat po."
Lumabas ng kwarto si mama at sunod namang pumasok sa kwarto ko si Ally.
"Ano na bff I'm soooo excited talag--." hindi niya natapos ang sasabihin.
"Ano yan? d ka pa naka bihis Bessy? anong oras na oh." nakapamewang na sabi ni Ally, at tumingin ito sa kanyang relo.
"Wala pa akong maisusuot Eh."
sabay nguso ko sakanya.
"Hay, nako ako pipili san ba damitan mo... Ayyyy! Eto, pak na pak to saiyo!"
abot niya sa akin ng black mini skirt.
Lumuwa tuloy ang mata ko hindi ko ata kayang isuot yan sa bar sobrang ikli, Nako naman baka makita si star niyan? nako, talaga itong si Ally oh!
"Ay no! no! no! hindi ko kayang isuot yan ang revealing naman niyan." sabay tago ng mini skirt sa likod ko.
"Bakit nandiyan yan sa closet mo aber?" naka pamewang na usisa nito at hinila niyang muli ang mini skirt na nakatago sa likod ko.
Paano nga ba napunta yan sa closet ko Eh, hindi naman ako nag susuot non? baka isa sa mga iniregalo sakin noong 27th birthday ko at naihalo sa mga damitan ko.
"Ewan, baka regalo sakin nung birthday ko,"
"Hay nako! perfect to dito sa.. eto tube top!"
"Eeeeeh! ano di ko kaya Ally,"
Ewan, ko na lang talaga kung payagan ako ni mama na ganiyan ang suot ko.
"Huwag na mag inarte go na! ano ka ba put your best outfit this is soooo exciting night!"
Sabay palakpak ni Ally with matching talon talon pa sobrang kulit talaga nito.
No choice na ako kaya yon na ang sinuot ko. Anong oras na din baka hindi na kami makaalis dahil lang sa pagtatalo naming dalawa kung ano ang susuotin ko.
"OH MY G! ang sexy mo bessy bagay na bagay sayo, your so stunning! bagay yang outfit mo sa blonde curly hair mo!" Sabay tingin sakin taas baba na akala mo judge sa isang fashion show.
"Oh! Tama na pambobola kaibigan nga kita." agad ko namang kinuha yong sling bag ko at inilagay doon ang cellphone ko.
*AT THE BAR*
Pag pasok namin sa bar bumungad agad samin ang malakas na music at nag kakapalang usok.
Hindi ko maiwasang maubo dahil sa usok at nag halo halong amoy. may amoy pabango ng babae at lalaki, may amoy juice ng vape, hindi ata sa alak ako mahihilo.
"Shantalia tara dun sa dulo andun sila Claire at joshua!!" Halos hindi na kami magkarinigan dahil sa sobrang lakas ng music.
Ang daming tao kung sino sino nakaka bunggo ko at sa hindi inaasahan biglang napabitaw si Ally sa pag kakahawak sa akin, lagot na ako nito nasaan na si Ally.
Sa sobrang busy ko sa pag hahanap kay Ally hindi ko namalayan na nabunggo na pala ako sa pader,
Napasapo ako sa noo ko ang sakit, pag tingala ko, Hindi pala pader. Isang tall, Handsome guy with his bangs na tumatakip sa kanyang dark grey eyes ang tangos ng ilong ang perfect ng mukha sobrang kissable ng lips niya.
Ang cool niyang tingnan. Wait! did I say handsome? and cool? no! no! Erase! Erase. Ano ba Shantalia kumalma ka nga!
He snapped his finger kaya nawala naman ako sa pag de daydream.
"Hey! watch out!!" Bigla siyang lumapit sakin at bumulong.
"What do you think you doing? daydreaming? tsk! stupid!"
Namula ang mukha ko sa inis dahil sa ibinulong niyang iyon.
Bastos tawagin ba naman akong stupid!
Ang tangkad at ang bango ng hininga nya, Amoy mint. pero para akong na freeze sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya, ang bastos ng lalaking to hindi ko alam ang gagawin ko kung itutulak ba sya o aalis na lang.
TAMA!
*SLAP!*
Sinampal ko siya, Deserve!!
"STUPID KA RIN!" napahawak ito sa gilid ng kanyang labi at ngumiti. Hala! may dugo? may dugoooo malakas ba yong pagkaka samapal ko? Lagoooot baka bugbugin na lang ako nito bigla.
Pero Argh! bakit ang handsome pa rin niya?
NO! Hindi ako papadala sa pangiti ngiti niya. NEVER!
"You!!" Galit na duro niya sa akin.
Ang lapit ng pagkaka duro niyang yon para akong maduduling.
"What that for? Stupid!!" Sigaw niya sa nakakatakot na tono.
Nako! lagot patay ako nito, hinila siya ng babaeng ka date niya siguro.
Akmang lalapitan niya ulit ako, ng biglang may sumigaw na babae sa gilid ko at hinawakan ako sa braso.
"Hoy! damuho ka! layuan mo nga bestfriend ko manyaki–." Sa sigaw pa lang alam kong si Ally na to.
Hindi na naman niya natapos ang kanyang sasabihin, kumukinang ang mata nitong nakatingin sa walang modong lalaki na ito, siguradong nagagwapuhan rin siya dito.
"A–aah e–eeh hello Dylan!" pag papa cute ni ally, napaikot ang mata ko ng wala sa oras, Ano to? kakilala nya itong bastos na to?
"Don't tell me Ally kilala mo itong bastos na to? halika na nga!" Inis na hinila ko si Ally, palayo sa bastos na lalaking yon. halos ayaw pang mag pahila ng gaga.
Pagkaupo namin, bakas sa mukha ng kaibigan kong beki ang pagkainip kakahintay sa'min ni Ally.
"Bakit ang tagal nyo mga sis?" Habang nag make up na tanong ni joshua.
"Kaya nga naka order na ako ng drinks oh!" Sabat naman ni Claire.
"wala may bastos lang akong naka encounter don, tawagin ba naman akong stupid!" Iritang sagot ko sakanila.
"Girllll! ang lucky mo! ang pogi ni Dylan siya pa talaga ang naka bangga mo!" sigaw na saad ni Ally.
"Bakit sino ba siya?" Iritang tanong ko at kinuha sa bag ko ang dala kong face powder.
"That's Dylan El Franco girl! sikat na womanizer at balita ko gangster daw yan kaya may pagka pilyo!" Tuwang tuwang sabi ni Allyson, kaya naman pala bastos kasi gangster yong lalaking yon? at ano? babaero? well sa itsura pa lang naman niya hindi na ako mag tataka.
"Nakabusangot ka diyan nandito tayo para mag party party, don't mind them, let's go girl let's dance!" Hila sa'min ni Joshua.
Mas lumakas pa ang tugtog kaya nag hiyawan ang mga tao loob ng bar.
"SIGE SUNOD AKO PUNTA LANG AKO SA WASHROOM!" Sigaw ko sakanila dahil hindi na kami magkarinigan sa lakas nang music.
Agad kong tinungo ang washroom ng bar para makapag refresh lang saglit.
Mukhang na hulas ang make up ko sa dahil sa inis ko sa lalaking yon.
Pag labas ko may lalaking nakasandal malapit sa washroom ng mga babae, nakasandal ito sa pader habang naka pamulsa ang dalawang kamay.
Matangkad at maputi, matangos ang ilong at gwapo din to.
Ang kaso lang nakakatakot ang seryoso kasi ng mukha.
Malalagpasan ko na siya ng magsalita ito.
"Pag pasensyahan mo na ang ginawa niya," Sabi nito ng hindi tumitingin sa akin.
Lumingon–lingon din ako sa paligid para tignan kung may ibang tao pa ba dito sa labas ng washroom maliban sa akin.
Pader yong kanan ko, pader ang kaliwa ko at salamin naman ang nasa likod ko, So ako ang kausap nito?
"Tsk! ikaw ang kausap ko," napakamot ito sa ulo.
AH! ako ba? malay ko bang may multo siyang nakikita.
"It's okay, wala naman sa akin yon." Tumango lang siya at umalis na ang cold naman ng lalaking yon baka kaibigan nang bastos na Dylan na yon si cold guy.
Pag balik ko sa table namin wala parin yong tatlo, nasa dance floor parin sumasayaw at mukhang nag eenjoy naman sila, may mga guy na din ang nakikipag kilala sa kanila.
"Mam may nagpapaabot po nito." sabay lapag ng waiter sa isang baso ng Tequila.
"Huh? A—ano kasi, hindi na po." abot ko sa alak na kalalapag lang sa harap ko.
"May nag papaabot po para sainyo daw po talaga yan." Saad noong waiter.
"Sino daw po?"
"Ayaw po ipasabi yong pangalan pero huwag daw po kayong mag alala walang lason yan," Ngingisi-ngising kamot sa ulo nung waiter.
Lason talaga? hindi naman halatang galit sa akin yong nag bigay nito. Ano?
"Lason talaga kuya?" Pabiro ko namang tanong sa waiter.
"Hehe opo, yon po ang sabi."
"Sige po kuya" ngumiti lang ito at umalis na.
Napatingin ako sa alak na naka lapag sa harap ko, bakit ko naman iinumin to? baka mamaya may lason nga ito o kaya may nilagay dito tapos mangisay na lang ako bigla.
Wala naman kayang galit sakin nang nag bigay nito? tsk! hindi naman siguro sinabi naman ng waiter na safe ito.
Pag angat ko sa baso ng Tequila may nakasabit na papel at may nakasulat."F*CK! I'm sorry."
Ganito na pala mag sorry ngayon? may f*ck pang kasama? kung sino ka man wow! thank you, so much appreciated.
Ayokong mag assume.
Pero siya kaya? yong bastos na yon ang nag bigay? nagpalinga linga ako baka sakaling makita ko kung sino man ang nag bigay nito.
Alam mo yung feeling na parang may nakatingin sayo pero hindi mo alam kung nasaan siya?
ganon ang pakiramdam ko ngayon,
Ang weird.
Binalewala ko na lang ang pakiramdam kong iyon, tapos sumunod na ako sa tatlo, nandito kami para magpakasaya para makalimutan ng panandalian ang problema. Hindi para magpaka stress.
Unknown POV's
Papasok pa lang sya ng bar. Alam Kong siya yung babaeng masayahin, iyakin na childhood friend ko noon, na hinahanap ko magmula ngayon. Alam kong hindi na niya ako maalala dahil na aksidente sya noong mga bata pa kami at nagka amnesia sya, dahilan para hindi niya ako maalala, kahit lumipat na kami ng bahay noon sinusubaybayan ko parin si Miah, siya ang dahilan kaya wala akong sineryosong babae, ibang iba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala at pinag laruan ko. yeah! pinaglaruan kasi never pa naman akong nag seryoso sa mga nakasama Kong mga babae, she is the only women who holds my heart, one thing I can promise, I will never let her again.
***
"Waaaah! ang saya grabeee! cheers!"
Sigaw ko.
"Lashennggg na akoooo!" Sigaw din ni Joshua.
"Tama! you only live once, kaya sulitin na natin wooooh!" Sabay shot ni ally ng Tequila.
"Cheerrrrs! paaaa Woooooh!!" sigaw din ni Claire, pasuray suray itong sumasayaw mga lasing na.
Pakiramdam ko ang pula na ng pisngi ko lasing na din ako, pero tuloy parin sa pag shot ng tequila.
Medyo blurry na din paningin ko.
Nasa dance floor kaming apat masayang nag sasayaw ang ganda kasi ng music, t****k by Kesha.
?? t****k on the clock
but the party don't stop no!
OH, WHOA, WHOA, OH
OH, WHOA, WHOA, OH!??
Sigaw ng mga tao habang sinasabayan ang kanta, nasa kakagitnaan kami ng pag sasayaw ng may lumapit saming apat na kalalakihan.
"Hi Sexy!" Sabi nung isang lalaki sa akin at lumapit.
Nakakatakot yong mga ngiti niya,
Lumayo ako ng konti at sumiksik ako kay Joshua.
Sinusundan parin niya talaga ako.
"Don't be shy, Iknow you want it too!" Ngisi niya ng nakakatakot, pilit kong isiniksik ang katawan ko kay Joshua.
"Sabing ayaw Eh! bingi ka ba?!" sigaw ni Joshua.
"Lumayo ka nga sa'min!" sigaw din ni Ally,
pero hindi niya pinansin ang sinabi nila Ally.
"Hey! were you going baby Let's dance!" sabay hila sa bewang ko dahil blurred na paningin ko at hilong hilo na ako sa takot, napaupo ako.
Biglang nagkagulo sa paligid.
Nag sisigawan na rin ang mga tao sa loob ng bar.
Ano bang nangyayari?
"Pag sinabi ng babae na ayaw niya."
*PAK!*
"Ayaw niya!"
Sabi ng lalaking nasa harap ko, nakatalikod kasii siya sa akin kaya hindi ko tanaw ang itsura niya.
"Huwag kang namimilit!"
*PAK!*
"BOGHS!*
*PAK!*
"Hindi nakakagwapo yan."
Bumagsak sa harap ko ang lalaking kanina pa nangungulit sa akin, naka bulagta na rin yong tatlong kasama pa nito, napatingala ako may walong lalaking nakatayo sa harap ko, Ang cool nila sa paningin ko.
Para silang korean action star nanapapanood ko sa TV.
"F*CK! can you stand up!" Galit na utos ng gwapong nakatayo sa harap ko,
Nanghihina nga ako no! kung itayo kaya nila ako, wala na ba talagang gentlemen sa mundo?
Asan na ba yung tatlo? iniwan na ba nila ako? lagot talaga sakin ang mga yon.
"Hey! are you deaf?" Iritang tanong niya sa akin.
"Bastos! kung itinayo mo kaya ako dito!" kahit nahihilo ako nagawa ko pang sumigaw dahil sa inis ko.
Itinayo niya ako, sa sobrang tangkad napatingala ako para aninagin ang kanyang mukhaa
Ang lamig ng pagkatitig nya sa akin, Pero hindi ko na pinansin iyon ang napansin ko ang matangos niyang ilong wala akong masabi kundi ang gwapo nya. biglang bumigat ang dibdib ko para akong nasasaktan sa mga titig nya parang na meet ko na sya before hindi ko lang alam kung saan.
Bumagsak na ako sa kanya at nawalan na ako ng malay.
DYLAN POV's
"Sir napunasan at nabihisan na po namin siya."
Sabi ng maid naming si manang esther.
"Salamat manang" pumasok na agad ako sa kwarto.
She's in my bed right now sleeping peacefully, I miss her angelic face, I miss her small and red lips, dinala ko sila dito sa isla.
"Please, daddy don't leave me, we need you please come back." humikbi at umagos ang luha niya sa kanya pisngi.
Shet! Sounds gay, pero bakit nasasaktan ako? pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi.
my mom told me, she's in highschoool when her memory came back pero bakit hindi niya ako maalala? o baka naman talagang tuluyan na niya akong kinalimutan?