Chapter 21: Mikael
PAG-UWI nga ni Kuya Hart ay sinabi talaga ni Ate Zedian. Napagalitan na naman niya ang boyfriend ko. Kesyo nag-t-take advantage na raw ito sa akin kapag wala siya rito sa bahay namin. Si Miko S. Brilliantes siya, wala sa vocabulary niya ang matakot sa mga banta ng kahit sinong tao man.
Isa lang naman daw ang kinakatakutan niya. Ang mawala raw ako sa buhay niya. Gusto niya lamang ako pero sa pagtrato niya sa akin ay parang mahal na niya ako sa lagay na iyon. Ngunit kung patungo na siya roon ay susuklian ko naman siya. Hindi ko siya hahayaan na bumagsak, ha. I will catch him no matter what.
Hindi na ako makahahanap pa ng lalaking katulad ng nobyo ko. Kahit oo, napakapilyo niya. Palabiro siya pero nakatutuwa naman siya. Hindi ka lang mapapatawa niya dahil iinisin ka rin niya. Kahit ganoon siya ay mahalaga pa rin siya sa akin. Parte na rin siya ng buhay ko. Alam ko na rin sa sarili ko na mamahalin ko rin siya pagdating ng panahon.
Kahit inulam pa ni Miko ang sermon ni Kuya Hart ay pagngiti-ngiti lamang siya. Paano ko nalaman? Palagi siyang sinisita dahil sa kangingiti niya. Ewan ko ba talaga sa ugali niya pero isa pa rin naman iyon sa nagustuhan ko sa kanya.
Mahimbing na sana ang tulog ko nang magising ako sa kalagitnaan nang gabi. Napabangon ako bigla at napansin kong tagaktak na rin ako ng pawis. Akala ko noong una ay ang ulo ko lang ang masakit pero hindi pala. Iyong mga mata ko. Matagal na simula nang maramdaman ko ang pananakit ng mga ito. Nasuri naman ako ng doctor at normal naman daw iyong pananakit pero ngayon lang ito bumalik.
Hinawi ko ang bangs ko na basang-basa na rin ng pawis ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Bumaba na rin ako mula sa kama ko. Muntik pa akong ma-out balance dahil sa kumot na na-stuck sa paa ko na hindi ko natanggal nang maayos.
Nagtungo ako sa pintuan ng banyo ko at ang kamay ko lang ang ginagamit ko para wala akong mabubunggo na mga gamit ko sa loob ng aking silid.
Alam kong may pain killer ang kuya ko pero naalala ko si Ate Zedian. Buntis siya at ayokong magising pa siya. So, hindi ko na sila pinuntahan pa dahil makaaabala lamang ako. Ilang beses pa akong muntik na madapa pero nakarating naman ako sa patutunguhan ko.
Binuksan ko ang gripo ng tubig sa sink ko at naghilamos ako. Umaasa ako na kapag nabasa ng tubig ang mga mata ko o ang mukha ko ay mawawala na ang sakit pero hindi.
Matindi pa rin ang kirot nito pero habang tumatagal ay kasama ng nanakit ang ulo ko. Naghalo-halo na ang mga luha ko, ang pawis at tubig. Pinipigilan ko na lamang ang humikbi dahil baka marinig nila ako. Dumausdos lang ako pababa at isinandal ko ang ulo ko sa pader. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa bayolenteng paghinga ko.
“Jean?” Napatutop ako sa bibig ko nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko. “Donna Jean?”
Sinubukan kong tumayo at nang nagawa ko naman ay pinunasan ko na ang mga luha ko gamit ang tubig. Nagpanggap ako na walang nararamdaman kung kaya’t nang bumukas ang pintuan ay sinalubong ako ni Miko.
“M-May kailangan ka ba, Miko?” tanong ko. Gusto kong umiyak ulit dahil masakit na masakit talaga siya. Pero ayokong makita ni Miko na nahihirapan ako.
Tipid akong ngumiti sa kanya nang hawakan niya ang mukha ko at ramdam ko ang mariin na pagsuri niya.
“Are you okay, baby?” Tumango ako at ilang beses na kumurap. “No, you’re not. Ang putla mo, ang mga labi mo ay wala ng kulay. Nanginginig ang mga kamay mo at ang lamig pa.” Sumeryoso ang tono ng kanyang boses.
“D-Dahil siguro sa tubig,” sabi ko.
“Jean, 2AM pa lamang ng madaling araw. Bakit naghilamos ka? May masakit ba sa ’yo?” Mabilis akong umiling. “Donna Jean, sabihin mo sa akin kung may masakit ba sa ’yo? Seryoso ako, Miss. Iba ako magalit. Tell me, what’s wrong? Pinagpapawisan ka na rin, oh! Huwag mong idahilan sa akin na mainit dahil ang lamig-lamig ng silid mo!” sigaw niya.
Manipis na kamiseta lang kasi ang suot ko at ang pababa naman ay puting pajama. Malalaman talaga niya na pinagpapawisan ako dahil hinawakan niya ang likod ko.
“W-Wala nga. Okay lang ako. M-Mainit kasi, kaya nagising ako. Pumunta lang ako rito para maghilamos. Okay lang talaga ako, Miko. P-Puwede ka ng bumalik sa kuwarto mo—” Napadaing ako dahil muling kumirot ang ulo ko.
“Sabi ko na, eh! May masakit sa ’yo!” sigaw na naman niya. Mabilis niya akong pinangko at dinala sa kama ko. “Sabihin mo...masakit ba ang ulo mo?” tanong niya at may diin pa. Wala akong ibang choice kundi ang sabihin na lamang sa kanya ang totoo.
“I-Iyong mga mata ko... K-Kanina pa... Kanina pa kumikirot. Masakit talaga siya, Miko,” naluluhang sambit ko. Kukusutin ko na sana ito nang mabilis niya akong pinigilan.
“Pupuntahan ko ang kuya mo.” Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa kanyang pag-alis.
“M-Magugulat si Kuya Hart at si Ate Zedian, magigising siya. Hanapin mo na lamang ang pinaglalagyan niya ng gamot. N-Nasa—” Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Parang mawawalan pa ako ng malay nito.
“Jean...” Nanginig ang boses niya nang sambitin niya ang pangalan ko.
“Hanapin mo na lang, s-sige na...” Hinalikan niya ang noo ko at saka siya umalis sa kama. Narinig ko pa ang mabilis na yabag ng mga paa niya. Nagmamadali siya.
Ang akala ko ay si Miko lang ang babalik. Malakas na bumukas pa ang pintuan at si Kuya Hart na humahangos na lumapit sa akin sa kama. Alam ko naman ang presensiya niya.
“Jean?” Mabilis pa akong dinaluhan ng kuya ko. “M-Masakit na naman ba ang mga mata mo?” nag-aalalang tanong niya.
“N-Ngayon lang naman po ito, Kuya, eh. Ang...pain killer po?” tanong ko.
“Heto, Jean.” Hinaplos pa ni Ate Zedian ang buhok ko. Pinapagitnaan na nila akong mag-asawa.
“G-Ginising po ba kayo ni Miko?”
“Hindi. Nasa kusina kami nang makita namin si Miko na nagmamadaling lumabas mula sa kuwarto mo. Nang makita niya kami ay nagtanong agad siya kung may gamot ba ang kuya mo na pain killer. Sinabi na rin niya na masakit ang mga mata mo,” paliwanag ni ate sa akin. Napatango na lamang ako at bumalik na si Miko na may dalang isang basong tubig. Pinainom din nila agad ako ng gamot.
“Sige na po... Bumalik na kayo sa kuwarto ninyo. Hindi po puwedeng mapuyat si Ate Zed, Kuya...” ani ko.
“Magiging okay ka na ba talaga, baby girl?”
“M-Mawawala naman na po siya dahil nakainom na ako ng pain killer,” sabi ko.
“Tara na, Hart. Nandito naman si Miko. Alam mong hindi niya pababayaan ang kapatid mo.”
“I’ll take care of her, Daiz.”
“Kapag hindi nawala ang sakit within in half or one hour. Huwag kang magdalawang-isip na puntahan ako sa kuwarto namin, Miko.”
“Okay.”
“You’ll be okay, baby girl.”
Kaming dalawa na lamang ni Miko ang naiwan at agad niya akong niyakap. Ilang beses na hinalikan ang pisngi at noo ko. “Nag-alala ako sa ’yo kanina. Akala ko ay may nangyayari na sa ’yo ng hindi maganda.”
“B-Bakit ka nga pala nasa kuwarto ko?”
“Ewan ko kung bakit nagising ako bigla. Naisipan ko lang na tingnan ka rito sa kuwarto mo. Nakita ko na wala ka sa kama tapos medyo magulo pa. Ang kumot mo ay nasa sahig na. Balak mo pa talagang itago sa akin. Masakit pa ba?” Mabilis naman umepekto ang gamot kung kaya’t medyo nabawasan na ang sakit. Tumango lamang ako sa kanya.
“Pasensiya na kung naabala pa kita,” ani ko. Hinagkan niya lamang ang labi ko.
“Boyfriend mo ako, Jean. Wala akong pakialam kahit makuha mo pa ang lahat ng oras ko. Hindi ka abala sa akin,” malambing na sabi niya.
“Salamat. Ang suwerte ko namang girlfriend,” sabi ko.
“Kaya dapat palagi mo rin akong bini-baby. Halika, patutulugin kita.” I nodded again but he suddenly stop. “Kukuha muna ako ng damit mo. Basang-basa na ang suot mo. Hindi puwede ’yan, baka magkasakit ka pa,” aniya. Umalis siya sa kama para kumuha ng extra cloth ko. Mabilis lang naman siya at ibinigay iyon sa akin.
“T-Tulungan mo na lang ako, Miko,” sabi ko. Nanginginig kasi ang mga kamay ko. Napatikhim pa siya. Itinaas ko pa ang dalawang braso ko para mahubad na niya ang kamiseta ko. Mabilis pero maingat pa rin niyang naisuot ito sa akin. Napangiti ako sa kanya kasi pinunasan pa niya ang pawis ko sa likod gamit ang damit na hinubad ko. “Thank you, baby ni Donna Jean.”
“Dàmn. Aatakehin yata ako sa puso,” mahinang sambit niya. “Matulog na nga lang tayo,” aniya.
Pinaunan niya ako kanang braso niya. Nakadantay pa ang isang binti niya sa hita ko at mahigpit na nakapulot naman ang braso niya sa aking baywang. Ang kamay niya ay marahan na humahaplos sa buhok ko at pababa sa likuran ko. Hinawi pa niya ang bangs ko at permanenteng nakadampi na lang doon ang mga labi niya at ang tungki ng kanyang ilong.
Nakatulog nga ako sa mga bisig niya. Kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Wala na rin naman akong ibang nararamdaman pa. Bumaba akong mag-isa at nang isang baytang na lamang ang aapakan ko ay may sumalo na agad sa akin.
“Gising na ang baby ni Miko.” Natawa ako nang mahina. Humalik na naman siya sa lips ko saka niya iginiyang maglakad.
Nang sabay-sabay na kaming kumain at saka lang nagtanong si Kuya Hart kung okay na raw ba ang pakiramdam ko. Sinabi ko naman sa kanya na ayos na ako.
“Nagpabili na ako ng gamot mo, Jean. In case na mauulit na naman iyon ay hindi mo na kailangan pang umalis sa kama mo. Maglalagay na rin ako ng water spencer sa loob ng kuwarto mo.”
“Salamat po, Kuya.”
“O kaya naman, sa kuwarto na lamang ako ni Jean matutulog para bantayan siya,” suhestiyon ng nobyo ko.
“Shut up. Hindi ’yan magandang idea.”
“Suggestion lang naman iyon, Daizo. Masyado kang seryoso. Hindi ko naman gagapangin ang kapatid mo, ’no. Iba lang ang gagawin ko.”
“At ano naman iyon?” malamig na tanong ni kuya. Nagpatuloy ako sa pagkain dahil normal na silang mag-usap nang ganito. Kahit si Ate Zedian ay ako na lang ang kinakausap niya at hinahayaan na niya ang dalawa.
“Hindi ko siya gagapangin pero... Luluhuran ko siya at kung puwede ring sumisid—I was just kidding! Walang malisya sa sinabi ko, ha!” depensa niya.
“Ano’ng wala?!”
“Look at yourself, Daizo. Pulang-pula ang tainga mo. Ikaw yata ang mahilig sumisid.” Narinig ko na lamang ang pag-urong ng mga upuan at ang presensya nila ay paikot-ikot na sa table na mukhang naghahabulan na yata sila. Tawang-tawa pa si Miko, minumura na rin siya ni Kuya Hart. Ang kulit niya kasi. Kung ano-ano na naman ang sinasabi niya.
“Heto, Jean. Kumain ka pa.”
“Salamat po, Ate Zed,” nakangiting sabi ko. Dumagdag niya ang sinangag sa plato ko.
“Kapag naubos namin ito ay bahala na kayong magluto ulit, ha?” Kahit ano’ng panakot pa ang ginawa ni ate ay hindi pa rin sila nakikinig.
“Jean baby! Help me! Masakit na ang binti ko! Zedian, itali mo na nga itong asawa mo!”
“Bahala kayo sa buhay ninyo.”
Nagkabati rin naman sila after that. Lalo na nakakuha ng update si Kuya about sa family ni Miko. Na nagkaroon na raw ng issue ang nag-iisa nilang kapatid na babae.
Naisipan na lamang nila ni Kuya na umalis at magtungo sa Manila. Kinakabahan pa ako noong maramdaman ko ang malamig na presensiya niya. Nasa loob ako ng kuwarto niya at nag-aayos siya ng bagahe niya. Dinig na rinig kasi ang paglalagay ng mga gamit niya sa bag niya.
“Babalik ka pa ba rito, Miko?” tanong ko sa kanya ng hindi na ako nakatiis pa na tanungin siya.
“Ano’ng klaseng tanong naman ’yan, Jean? Siyempre babalik pa rin ako rito.” Napanguso ako dahil sa pagsusungit niya.
“Eh, bakit marami yata ang mga gamit na dadalhin mo?” nagtatakang tanong ko.
“Kaunti lang naman ito. Sapat na para sa isang linggo,” sagot niya at nakagat ko ang daliri ko.
“Ganoon katagal ka mawawala?”
“Ano’ng ganoon katagal? Isang linggo lang naman iyon at kasama ko ang kuya mo. Nag-aalala ka ba na hindi na ako babalik dito, Jean?” Hindi ako sumagot kaya naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
Umupo siya sa gilid ko at hinawakan niya ang kamay ko. May malamig na bagay ang dumulas sa daliri ko at hinawakan ko iyon.
“Singsing?” gulat na tanong ko.
“Promise ring ’yan, baby. Binili ko ’yan noong nakasahod ako sa trabaho ko rito. Hangga’t suot mo ito ay tinutupad ko ang mga pangako ko sa ’yo. Jean, babalikan kita rito. Hindi kita iiwan, ’no,” wika niya sabay halik sa noo ko. Ngumiti lamang ako sa kanya at hinalikan na naman niya ang mga labi ko at pinagdikit ang aming noo. “Basta kapag nanakit na naman ang mga mata mo ay uminom ka agad ng gamot. Tatawag din ako sa ’yo palagi.” Tinanguan ko lamang siya.
Halos hindi ko pa siya kayang bitawan kahit nasa labas na sila para umalis kasama si Kuya Hart. Mahigpit ang hawak ko sa braso niya. Pero kalaunan ay binitawan ko rin naman siya.
Sanay naman ako na wala si Miko dati sa buhay ko pero dahil mabilis kong nasanay ang sarili ko sa presensiya niya ay hindi pa ako nakatulog sa isang gabi kaya napuyat tuloy ako.
Tumawag naman siya sa akin kinabukasan at ligtas silang nakarating sa Manila. Pero isang linggo lang naman ang paalam nila na umabot na ng dalawang linggo, sa tuwing tinatanong ko siya tungkol doon ay madalas sinasabi niya na sa akin na may aberya lang daw at uuwi agad sila.
Hinintay ko naman sila pero umabot na ng dalawang buwan ay hindi pa rin siya umuuwi. Nauna na nga si Kuya last month. Naisip ko nga na baka hindi na siya babalik pa rito. Na baka nga rin ay bumalik na siya sa pamilya niya. Masaya naman ako para sa kanya dahil malalaman na ng family niya na ligtas siya at buhay na buhay.
Hanggang sa dumating siya kasama ang isang babae. ‘Kuya’ ang tawag nito sa kanya.
Nakaupo lang din ako sa sofa at hinihintay ko ang lumapit siya sa akin pero hindi naman nangyari.
“Kapatid niya lang iyon, Jean. Si Mikael, siya ang nag-iisang babae sa clan nila. Dito muna sila sa atin dahil delikado pa ang mga buhay nila. Ang pangalan na itatawag natin sa kanya ay hindi Mikael. Anne Junnelyn. Pero AJ na lang for short. May amnesia siya kaya wala siyang naaalala na kahit na ano. Ayaw rin ni Miko na tawagin natin siyang Miko. Iko na lang muna at ayaw niya ring biglain ang kapatid niya. So, ang relationship ninyo...”
“M-Makikipaghiwalay po ba siya sa akin dahil sa kapatid niya?” nauutal na tanong ko.
“Ganoon na nga, Jean.” Tumayo ako at nagtungo sa pintuan para puntahan si Miko.
“Jean!”
Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na naramdaman pa ang presensiya ni Miko. Mabilis niya akong nahawakan sa braso ko para pigilan ako.
“Saan ka pupunta, Jean?” tanong niya sa akin.
“Makikipaghiwalay ka ba sa akin, Miko?” agad kong tanong.
“H-Hindi... Pero...ang sabi ng kuya mo... Kailangan daw.” Hinampas ko ang dibdib niya. Tumulo agad ang mga luha ko. Kaya nang makita niya iyon ay natataranta siya at agad niya akong niyakap. “Nagbibiro lamang ako, Jean! Ikaw naman...katulad ka talaga ng kuya mo, eh ’no? Seryoso masyado.”
“Hindi ka nakatutuwa!” sigaw ko sa kanya.
“Sorry na, baby ko. Joke lang iyon. Bakit naman kita hihiwalayan? Duh, patay na patay sa ’yo si Engineer Miko S. Brilliantes. Kaya ba niyang mabuhay na wala ang Donna sa buhay niya?” Umurong ang luha ko dahil sa sinabi niya at sa boses niya.
“Ang bakla mo,” sabi ko at ilang beses kong pinagbabayo ang likuran niya. Malambing na niyakap niya lamang ako.
“I’m sorry... I’m sorry kung nagawa kitang tiisin ng dalawang buwan. In-coma si Mikael sa loob ng dalawang linggo at ang sabi ni Daizo ay hindi puwedeng bumiyahe ng matagal ang kapatid ko. Kaya nag-stay na muna kami roon sa Manila for her recovery. Na-miss kita, wala kang idea kung gaano kita na-miss, baby,” he said and he drop a kiss on my lips.
“Eh, ano’ng sinabi ni Ate Zedian? Dapat daw ay Iko na ang itatawag namin sa ’yo tapos maghihi—” Inilapit niya ang hintuturong daliri niya sa labi ko.
“Forget that, baby. Gusto mong mag-date tayo?” Umiling ako sa kanya.
“Pagod ka pa mula sa biyahe ninyo. Mag-rest ka muna sa room mo,” ani ko.
“Come, ipapakilala kita sa kapatid ko,” sabi niya. Nasa bagong silid nito ang kapatid niya.
Dahil nawala ng isang buwan si kuya ay may kinuha na siyang dalawang kasambahay para makasama raw namin ng asawa niya. Pinahanda niya agad ang guest room namin.
“Hindi naman siguro siya suplada, ’no?” tanong ko sa kanya.
“Hindi. Pero tahimik iyon, eh. Don’t worry, magkakasundo rin kayong dalawa.”
“At kapag hindi ko naging close ang kapatid mo?”
“Okay lang. Close naman tayo.” I just laughed. Na-miss ko ang pagbibiro niya.
Nagpapahinga sa kuwarto niya si Mikael at umupo ako sa gilid ng kama niya. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Nahihiya ako sa totoo lang.
“Hello,” bati ko sa kanya.
“Hi.” Kumunot pa ang noo ko dahil ang lalim ng boses kahit babae pa siya. Pero hindi na mahalaga pa iyon dahil pinansin naman niya ako.
“Bunso, siya si Donna Jean. Kapatid siya ni Daizo, iyong naging doctor mo rin. Alam mo ba na crush ako ni Jean?” Hinila ko ang damit niya. Ano’ng crush-crush na pinagsasabi niya?
“Crush?”
“Kidding aside. Sana maging magkaibigan kayong dalawa, bunso. Siya si Jean na gusto kong maging parte ng pamilya natin balang araw.” Lumubo ang pisngi ko sa sinabi niya. Kinikilig ako.
“Gusto mo siya, Kuya?” tanong nito.
“Oo. Sa ganda ba naman niya. Sino ang hindi magkakagusto sa kanya?”
“Mik—Iko kanina ka pa,” ani ko at mariin kong kinurot ang braso niya. Dumaing pa siya. “Puwede ko bang hawakan ang mukha mo, AJ?” pakiusap ko. Alam kong naguguluhan siya kung bakit iyon ang sinabi ko.
“Until now ay naghahanap pa rin kami ng donor niya para sa eye-transplant niya, bunso.”
“Eye-transplant... Kung ganoon po...”
“Ganoon na nga,” sabi ni Miko. Lumapit naman sa akin si AJ at siya ang humawak sa dalawang kamay ko para dalhin iyon sa mukha niya.
Sinimulan ko na rin pagalawin ang mga kamay ko. Malambot ang pisngi niya at maliit ang kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang kilay. Maikli rin ang buhok niya.
“Maganda ka pala. May isa na namang tao ang nadagdag sa listahan ko.”
“At ano iyon, Miss? Para saan iyon?”
“Listahan ko ng mga taong gusto kong makita balang araw.”
“We work for that, baby. Kaunting hintay lang.”
“Kaya naman pala mukhang patay na patay sa ’yo ang kuya ko. Kasi...maganda ka rin at singkit pala ang mga mata mo.”
“Ang sabi ng kuya mo ay tahimik ka raw at hindi madaldal. Sinungaling pala talaga siya, ’no?” ani ko at mahinang natawa ito.
“Siguro naramdaman ko lang na comfortable akong makausap ka. Sana ay mas maging malapit tayo sa isa’t isa.”
“Magkapatid nga kayo. Marami rin kayong pinagdaanan sa buhay,” saad ko pa.