CHAPTER 22

2501 Words
Chapter 22: Love “IKAW ba? Simula ba pagkabata mo ay wala ka ng makita, Jean?” tanong nito sa akin na tinanguan ko na lamang. Dahil ayokong magkuwento tungkol sa masasakit kong karanasan. Sa mga panahon na iyon ay nawala rin kasi sa amin ang Mommy at Daddy namin ni Kuya Hart. “Huwag kang mag-alala, Jean. Alam ko na balang araw ay makakakita ka pa rin. Magtiwala ka lamang.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Sana nga, AJ. Kumpara pala sa kuya mo ay mas matino kang kausap,” biro ko. “What? Miss, sinasabi mo ba na siraulo ako?” tanong nito na kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong salubong ang makapal niyang kilay. “Ganoon na nga po. Kaya si Kuya Hart ay sumusuko na sa ’yo,” saad ko. “Pambihira ka,” sabi nito na parang may hinanakit pa. “Sige, starting from now ay magkaibigan na tayo.” Lumapad ang ngiti ko. Bet ko ’yon! Hindi ako tatanggi! Aba, hindi lang ako nagkaroon ng boyfriend. May kaibigan pa ako! “Hala! My pleasure! Wala kasi akong naging kaibigan, eh. Palaging nasa bahay lang ako at nasa loob din ng studio ko at makinig sa mga hinaing ng listeners ko.” Sunod-sunod na ang kuwentuhan naming dalawa. Magaan ang loob ko sa kanya dahil siguro nakababatang kapatid siya ng boyfriend ko at mas bata rin kaysa sa akin. Ang alam ko lang din ay anak siya sa labas kaya ilang buwan lang daw ang agwat nila ng kuya niya. Ngunit napapansin ko sa kanila ang pagiging close nila. Nagtampo si Miko dahil nawala na raw siya sa isip ko nang dumating si AJ. Kaya inaya niya akong lumabas. Nagpaalam pa siya kay Kuya Hart at nandoon naman si Ate Zedian para hindi ma-bore sa bahay namin si AJ. Noong iniwan namin sila ay tinuruan siyang magburda ng kung ano-ano. “Hindi mo ba ako na-miss, baby?” tanong niya sa akin. Kasalukuyan na kaming lulan ng sasakyan at wala pa akong idea kung saan kami pupunta. “Hindi,” mabilis na sagot ko. Napaigtad pa ako nang dumapo ang palad niya sa hita ko. Tinanggal ko iyon. “Focus on the road, Miko. Huwag kang pasaway. Kung saan-saan na dumadapo iyang palad mo. Dapat nasa manibela lamang ’yan, oy,” ani ko. “Hindi mo ba hinubad ’yan, Jean?” “Ang singsing ko ba?” tanong ko. Kasi alam ko naman na ito ang tinutukoy niya. “Oo.” “Hindi. Doon sa flowershop ni Ate Zedian. Alam mo ba kung ano ang tawag sa akin ng mga customer?” Nagkaroon agad ako ng interest na magkuwento sa kanya. “Ano?” natatawang tanong niya. “Misis. Misis, pabili po nito. Misis, magkano po ang isang tangkay ng rose? And etcetera,” nakasimangot na sabi ko. “That’s good to hear,” tuwang-tuwang saad niya. “Hindi kaya. Mukha ba akong may asawa na? Lalo na kapag lalaki ang customer namin,” ani ko. “Ano’ng ginagawa nila?” tanong niya na bigla ring sumeryoso. “Ang sabi nila ay sinasadya ko lang daw na bumili ng singsing para walang dumiskarte sa akin. Next time nga ay tatanggalin ko ito—” “Subukan mo, Donna Jean. Makatitikim ka ng parusa mula sa akin,” seryosong sabi niya. I pouted. “Ang killjoy mo naman. Akala ko ba ay sinasakyan mo palagi ang mga joke namin?” ani ko. “Ewan ko sa ’yong babae ka.” “Alangan namang lalaki ako?” pambabara ko and that made him chuckled. Purple collaret knee-length dree ang suot ko. Ang pasalubong sa akin ni Miko galing sa Manila ay ang doll shoes at itong dress na suot ko. Sleeveless din siya. Kasyang-kasya sa akin ang size. Si Kuya naman ay ang sling bag ang pasalubong niya sa akin. Damit naman for his wife. “Nandito tayo sa park ng Pangasinan, Jean. Maraming tao rito dahil ’saktong may piyesta sila rito. Naisipan kong dalhin ka sa park.” “Eh, takot ako sa maraming tao, Miko,” saad ko. Wala pa man ay kinakabahan na ako. “Sinabi ko na sa ’yo. Kapag kasama mo ako ay hindi mo kailangang matakot,” aniya. Ngumiti na lamang ako. “Kasi feeling ko ay mawawala ako. Tapos ang dami pang mga tao. Baka maligaw ako at hindi kita mahanap.” “Nah, hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo. Don’t worry too much, baby.” Bago kami bumaba ay pinaalala ko pa kay Miko na isuot niya ang sumbrero niya at ang eyeglasses niya. Kinuha pa niya ang kamay ko para lang ipahawak iyon sa suot niya pero natawa lamang ako nang halikan niya ito. Saka lang din ako nakahinga nang maluwag. Nakaakbay sa akin ang boyfriend ko para lang walang makabangga sa akin na mga tao. Kasi nararamdaman ko ang maraming presensya sa paligid namin. Pero tila may nagtutulakan kung kaya’t pumuwesto na lamang siya sa likuran ko. Sa ibabang balikat ko naman siya nakahawak. “Ano ang una nating gagawin, Jean? Gusto mo ba na sumakay tayo ng rides?” “Mayroong ganoon dito?” excited na tanong ko. “Oo naman. Kapag okay na ang lahat ay dadalhin kita sa Manila para makasakay ng mas malaking rides.” “Pero takot din ako matataas na lugar, Miko,” malungkot na sabi ko. “Kahit hindi mo nakikita?” “Oo, nararamdaman ko kasi. Kumain na lang tayo ng uhm... Ice cream?” “Okay sige. Ice cream, then.” Ube ang napili kong flavor ng ice cream at siya naman ay vanilla flavor. Malamig sa loob ng ice cream parlor at ang laki pa ng bowl. “Hindi ko yata mauubos ito— Nakalimutan ko... Dapat pala ay may itatawag ako sa ’yo—” “Baby na lang. Pinapahirapan mo pa sa sarili mo, ay,” mabilis na suggestion niya. “Hindi ba nakahihiya na tawagin kang baby sa edad mong ’yan?” “Eh, bakit ikaw? Mas matanda ka pa kaysa sa akin pero baby ang tawag ko sa ’yo,” he fired back. “Hala, choice mo naman iyan,” laban ko sa kanya. “Jean?” “Bakit po?” “Nakita ko ang biodata mo roon sa kuya mo.” “At may nadiskubre ka ba ro’n?” tanong ko. “Nalaman ko na pareho pala tayo ng kaarawan. Ang saya naman no’n. Sabay nating i-celebrate ang birthday natin, Miss.” Ewan ko ba kay Miko. Alam naman niya ang pangalan ko tapos madalas ay tinatawag niya ako sa napili niyang endearment para sa akin. Nakararamdam naman ako ng kilig sa tuwing ganoon ang tawag niya pero madalas din na ‘Miss’ ang tawag niya sa akin. Natural na yata sa kanya na tawagin din akong ganoon. “Gusto ko ’yan. Tapos exchange gift tayo.” “Sure.” *** Hindi ko naubos ang ice cream ko pero iyong kay Miko ay naubos niya. Mukhang favorite niyang kainin ang ice cream. Tapos ang sling bag ko ay siya ang nagdala no’n. Nakasabit na nga sa balikat niya. “Here, sit down, baby.” Nang pasadahan ko iyon ng kamay ko ay nalaman ko na upuan ito—hindi literal na upuan. Iyong sinasakyan ng mga bata na kumukuha ng balanse. “Hindi na tayo bata, Iko,” ani ko. “Sige. Don’t be killjoy, baby. Sit.” “Hindi po ako aso,” nakasimangot na saad ko. “I didn’t say anything. I just want you to sit down, baby.” “Fine. Pero naka-dress ako.” “Side lang naman.” I took a deep breath at saka ko siya sinunod. Nakaapak pa sa lupa ang inuupuan ko at pati na ang sapatos ko. Nang umupo na rin siya sa dulo ay dahan-dahan itong tumaas. Mahigpit ang hawak ko sa handle, higit na humigpit pa ito nang tumaas lalo. “Iko... Alam mo ba na bawal akong mahulog o madapa man lang?” tanong ko. “Bakit?” “Hindi ako ooperahan ng doctor kapag hindi maganda ang kondisyon ko.” “At bakit?” “Ano’ng bakit? Hindi lang ako nabulag, Iko. Isa at kalahating taon akong nakaratay sa kama at si Kuya Hart lang ang nag-aalaga sa akin ng wala pa si Ate Zedian. Ang buong katawan ko ay paralyzed.” By that ay dahan-dahan nang bumaba ang upuan ko. Mabilis pa niya akong naitayo. “Ngayon alam ko na. Hindi ka nga lang ganoon kaya naman pala ingat na ingat sa ’yo si Daizo. Pero ilang beses ka nang nawalan ng balanse. Noong nakaraang buwan ay bumagsak ka pa sa mesa.” “Kalimutan mo na ’yon. Tara, iba na lang ang gagawin natin.” “Doon tayo.” “Saan?” “Sa malaking gulong na umiikot,” sagot niya. “Natural na umiikot naman ang gulong,” pambabara ko na naman sa kanya kaya mahina niyang pinitik ang noo ko. “Iba naman ’to, Miss.” Nahawakan ko na naman iyon at alam ko na kung ano ito. “Iko, alam mo na wala akong nakikita.” “Oo. Why?” “Baka hindi mo kaya rito. Mahihilo ka.” “Gusto ko na maranasan mo ang larong nandito lahat, baby.” Napahawak ako sa braso niya nang maramdaman ko ang pag-ikot nito. Hinapit niya agad ako sa baywang at ang isang kamay niya ay nakabalanse rin. “Bahala ka kapag nahilo ka, ha?” “Oo, ako ang bahala, Miss.” Siya rin ang sumuko sa huli at sumuka pa siya dahil nahilo nga raw siya. Nakaupo lang ako sa bench habang kumakain ng lollipop na bigay niya. “Bakit pakiramdam ko ay talo ako sa lahat ng bagay pagdating sa ’yo?” “What do you mean?” kunot-noong tanong ko. “Wala ka bang kinakatakutan na iyong hindi ka masasaktan, Jean?” Umiling ako. “Bakit parang gusto mong matakot ako?” “Gusto ko lang naman na pilitan ka na baby-hin mo ako.” “Ang kapal ng face mo, ha.” Umupo rin siya sa tabi ko. Naririnig ko pa ang sunod-sunod niyang paghinga. Binuksan ko ang bottled water at ibinigay iyon sa kanya. “Uminom ka muna.” “Thanks, baby,” sabi niya. Pumulupot ang kaliwang braso niya sa baywang ko kaya bahagya kong isinandal ang sarili ko sa kanya. “Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa mga kuya mo, Iko.” “Like what?” “Kung ano ang mga ugali nila? Ikaw carefree, happy-go-lucky at super pilyo and palabiro,” ani ko na ikinatawa niya nang mahina. “Ang mga kuya namin ni Mik. Palagi kasi silang seryoso. Nakakaumay mga mukha nila na walang mababakasan ng kahit na ano’ng emosyon. Pero ganoon lang sila kapag ibang tao ang kasama at kaharap nila. Si Kuya Markus ang panganay na apo ni Grandpa. Ipinagkasundo siya sa anak ng ninong niya. Rude at walang pakialam sa paligid niya si Theza Marie pero kapag nakilala mo siya ay roon mo malalaman na mabuting tao siya at busilak ang puso niya. Iyon nga lang bago ako nawala ay naghiwalay sila ni kuya.” “Ikinasal na ba sila bago sila naghiwalay?” “Hindi pa. May girlfriend kasi si Kuya pero mukhang nahulog din siya sa fiancé niya. Wala sa clan namin ang cheater, Miss. Pero iyon ang ginawa ni Kuya Markus, sa tamang babae naman,” sabi pa niya na ikinatango ko. “Tapos?” “Hayon nga, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkabalikan. Si Kuya Markin lang naman ang hindi ipinagkasundo ni Grandpa. Dahil may secret girlfriend ito at alam mo ba kung ano ang twist ng love story nila?” “Ano?” interesadong tanong ko. “May anak sila. Ang cute-cute ng batang iyon. Ang daldal kahit wala namang nakaiintindi sa mga sinasabi niya,” natatawang sabi niya. “Mabait din si Rea. Maganda pero weird. Kasi mahilig siya sa kulay itim. Palaban din siya at mabuting ina sa pamangkin ko. Kahit na one night stand lang ang nangyari sa kanila at hayon nga nabuo nila si Markiana ng isang gabi lang ay nakita ko sa mga mata niya kung gaano niya ito kamahal. Halos kaedad mo lang siya sa katunayan.” “Hala, nabuntis siya ng kuya mo sa ganoong edad?” “Oo. Okay naman na sila, ang kaso lang. Noong nasunog ang studio ni Rea ay wala roon si Kuya Markin at wala na rin doon ang mag-ina niya.” “Ang lungkot naman na naghiwalay rin sila.” “Si Kuya Mergus naman na kakambal niya. Isa rin siya sa ipinagkasundo sa anak ng kaibigan ni Grandpa. Hmm... Halos wala silang pinagkaiba ni Theza Marie. Cold pero dedicated sa trabaho niya si May Ann. Nakikita ko sa kanya si Kuya Markus. Kung paano niya mahalin ang trabaho niya. Si Kuya Michael naman—” “Nagkatuluyan ba silang dalawa?” putol ko sa ikukuwento pa sana niya. “Hindi. Naghiwalay rin sila dahil mas pinili ni Kuya Mergus ang kapatid nito without knowing na buntis pala si May Ann.” “Bakit? Mahal ba ng kuya mo ang kapatid niya?” “Ewan ko ba roon sa kanya. Epal niya.” Natawa ako sa huling sinambit niya. “Tapos doon pa sa isa mong kuya?” “Walang problema kay Kuya Michael. Tahimik iyon, seryoso rin at aloof. Ang dapat kasama niya ay sina Kuya Markus at Kuya Mergus. Akala mo galit sa buong mundo. Maganda ang relasyon nila ni Novy Marie. Sa kalagitnaan ay nagkaproblema rin sila. Sobrang komplikado. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari sa kanila.” Pagkatapos naman niyang magkuwento ay hinawakan niya ang kamay ko. “Ayokong matulad sa mga kuya ko, Jean. Ayoko na katulad nila ay pakawalan ang mga babaeng mahal nila at gusto kong mas magtagal pa tayong dalawa. Puwede tayong mag-away pero hindi tayo maghihiwalay. Mangako ka na hindi ka rin bibitaw sa mga kamay ko, Miss.” “Oo, pangako na hindi ako bibitaw sa ’yo,” nakangiting sabi ko. “Jean?” “Hmm?” tugon ko. Tinanggal pa niya ang lollipop sa bibig ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Nalanghap ko ang mabango at mainit niyang hininga. Pinagkiskis pa niya ang mga labi namin saka siya nagsalita. “I love you...” Bumilis ang t***k ng puso ko sinabi niya. Imbis na saya mararamdaman ko ay kakaibang kaba at takot ang nangingibabaw sa puso ko. Ngunit ganoon pa man ay napangiti rin ako. Ewan ko rin ba kung totoo na rin ang nararamdaman ko basta masaya naman ako na marinig ang mga katagang iyon. “Mahal din kita, baby.” Kinabig niya ang batok ko at mariin niyang inangkin ang mga labi ko. Sa mga halik niya ay higit niyang pinaramdam sa akin kung gaano nga niya ako kamahal. Hindi mapusok sa halip napakagaan nito at mabagal ang bawat galaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD