PAGE 16 Si Sir ****** NAGTATAWANAN kami ni Rosie ng lumabas kami ng maintenance lounge. Katatapos lang ng lunch break at pabalik na rin kami sa mga assigned floor sa amin. Nag-aya kasi siya sa bahay nila mamaya dahil birthday niya pala. Hindi naman ako tumanggi since hindi ko alam at wala akong naihanda na gift para sa kanya. "Basta mamaya hah, Bethel. Um-oo ka na." Paalala niya pa sa akin. Tumango ako at ngumiti. "Oo na nga eh. Sigurado namang naka-abang ka na sa labas mamaya pag-out ko." "Talaga!" Diin niya sabay tawa. Natigil lang kami sa pag-uusap nang may tumawag ng pansin ko mula sa likod. "Bethel?!" Sabay kami ni Rosie na napahinto at lumingon. Nagulat pa ako nang makilala kung sino iyong tumawag sa pangalan ko. Si Rowen. Mabilis itong nakalapit sa amin. "Rowen." Ngumiti

