Page 17

1446 Words

PAGE 17 I felt bad ********* NATIGILAN AKO at napatayo nang deretso habang nakatingin sa pwesto ni Sir Marcus. Nandun pa rin naman siya, nakaupo sa kanyang swivel chair at nakasandal. Iyong mga kamay niya ay magkasiklop na nakapatong sa kanyang tiyan at nakapikit ang mga mata. O, my! Tulog ba sya? Humugot ako nang maraming hangin at marahang humakbang papalapit sa may desk niya. Tama. Tulog na nga siya. Kita ko ang pantay na paghinga niya eh. Lumapit pa ako sa gilid niya. Mga dalawang hakbang na layo siguro para masigurong natutulog siya. Pagod na pagod na siguro si Sir. Napahalukipkip ako. Kungsabagay. On hand kasi siya sa lahat ng trabaho. Ang dami niya pang inaasikaso sa araw araw. Bakit naman kasi hindi niya hayaang mag-OT paminsan minsan si Ms. Torres? Secretary naman ito eh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD