PAGE 57 Chikinini ********** LAKAS KASI nang trip ni Henry, ayan, nagalit na naman si Sir Marcus. Epic talaga. Pagkadating ko sa may itaas ng hagdan ay agad kong kinuha ang phone sa bulsa ng suot kong loose pants. In-scroll ko iyon para matawagan si Henry. Hindi kami nakapagpaalaman ng maayos eh. Bumagal ang hakbang ko papalapit sa pinto ng room na gamit ko. Nang pihitin ko pabukas iyong pinto nagulat ako nang biglang may tumulak sa akin papasok sa room at pabagsak na ipininid iyong pinto. Pag-pihit ko sa likod ay agad niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at itulak naman paatras hanggang marating ko ang puting kama. Pabagsak akong napaupo sa gilid ng niyon. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa higaan para makakuha ng support habang nakatulalang nakatingin patingala. "Sir Marcu

