PAGE 56 World war something *********************** HINDI AKO napilit ni Ate na sumama sa out of country na bakasyon nila ni Sir Marcus. Sobra na iyon. Ate ko talaga! Well, kahit gusto ko na sumama hindi ako sasama noh. Ayokong torture-in ang sarili ko. Ang manatili nga sa iisang bahay kasama sa kanila, nakakasakal na eh. "Bakit ayaw mo?" Tumingin ako kay Henry at kumunot ng noo. Hindi siya nakatingin sa akin kasi nakatalikod siya at abala sa paglalaro ng games sa malaking LCD TV sa harap. Nakaupo siya sa ibaba ng sofa, carpetted naman kasi iyong sahig. Nakaupo ako sa sofa, sa likod niya at ang sarap niyang batukan mula sa pwesto ko. Napangiwi ako. Nasa bahay pa rin naman kami ni Sir Marcus. Sa may salas lang. Niyaya kasi ako ng kumag na ito na manuod daw ng movie na nag-end lang

