PAGE 55 Malaking Hadlang ******************* HINDI NAMAN mahirap mag-adjust sa bagong bahay. Lalo na kapag malaking bahay. Ang daming kayang room para pagtaguan. Ahahaha.... Hindi naman ako nakikipaglaro ng hide and seek kay Sir Marcus. Nagkakataon lang talaga na sa umaga, maaga akong umaalis at minsan hindi pa siya nakakabalik from his usual jogging exercise. Kung minsan, siya ang maagang umaalis at tulog pa ako. Most of the time sa gabi, hindi ko siya matiyagang hinihintay katulad ni Ate. O di kaya ay sa boutique ako natutulog kapag may kailangang tapusin na trabaho. So, walang effort sa pag-iiwasan. Sadyang hindi lang kami meant na magtagpo. Katulad ng hindi namin pagiging meant para sa isa't isa. Noong una, nakaka-ilang ang sitwasyon. Pero paglipas ng araw ay naging natural na l

