Page 53

2051 Words

PAGE 53 Be my date ************ NAMALAYAN KO na lang ang sarili ko na kumakatok sa isang pinto. Mahigpit kong hawak ang plastic ng mga pinamili ko at huminga ng malalim. Ilang sandali lang ay bumukas iyon at bumungad sa akin ang bagong gising na mukha ni Rosie. "Oh?!" Gulat na gulat ito pagkakita sa kin. Kumunot ang noo niya. "Bethel?" Ngumiti ako. "May dala akong pagkain at ice cream. Pwedeng tumambay?" Bahadya siyang natigilan na parang nag-iisip at nagtataka. Well, nakakapagtaka naman talaga ako. Pero wala naman siyang ibang violent reaction, ngumiti lang. "Oo naman." Mas maluwang ng konti yung apartment niya kesa sa akin. Malinis at maayos. Agad akong naupo sa may plastic na upuan at inilapag sa tabi iyong dala ko. "Natutulog ka ba?" "Oo. Buti ngayon ka dumating, day-off ko." 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD