PAGE 52 Saan ako pupunta? ******************* HINIGIT AKONG papalabas ng boutique ni Sir Marcus. Luhaan ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nangyari. Nang marating namin ang tapat ng sasakyan niya ay saka lang ako natauhan. Malakas kong hinila pabitiw mula sa kanya ang hawak niyang kamay ko at sabay kaming napahinto. "Ano ba?!" "Sumakay ka!" Galit pa rin siya ng harapin ako. Sobrang dilim ng mukha niya na ngayon ko lang nakita sa tanang panahon ko siyang nakilala. "Ano bang problema mo Marcus?! Ba't mo yun ginawa?!" Pasigaw na aniko. Tinitigan ko siya sa mga mata kahit totoo ay takot na ko. Galit na galit siya sa akin na feeling ko ay kaya na niya akong saktan. Pero kahit pilitin niya pa ako na sumama wala akong balak. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa paligid kundi ay ma

