PAGE 51 Girlfriend ko ************** GUSTO KO sanang tumakbo palayo pero non-sense na rin. Kungsabagay ay darating din naman itong pagkakataon na ito. Hindi ko nga lang inaasahan na ngayon na. Nabasa na kaya niya yung letter na iniwan ko sa bahay niya? Napalunok muli ako at umiwas ng tingin. Tumikhim ako. "Good evening po." Lakas loob lang na tumingin ako sa mukha niya. Wala namang nagbago sa kanya. Mukhang okay na okay naman siya. Okay na okay siyang wala ako. Samantalang ako --- Napailing ako sa sarili. Tama na nga yan! Hopia! Siopao! Bolabola! Bobola bolahin ka lang niyan uli para asadong asado ka naman. Aisht! Ayoko na talaga. Bumuga ako ng hangin at pilit ngumiti. "Wala po si Ms. Hannah ngayon. Baka hindi na po siya bumalik dito ngayong araw. Kung okay lang i-schedule ko na

