PAGE 50 Sumpain ********* BUMUNTUNG HININGA ako ng malalim at sumilip sa pagitan ng bakal na gate. Tahimik ang buong bahay. Wala yatang tao. May ilang sandali akong nanatili na nakatayo patalikod sa bahay bago lumapit sa may gilid na post kung nasaan ang isang katamtamang laki ng mail box. Agad kong inihulog sa loob niyon iyong hawak ko na sobre sabay talikod. "Parang tanga lang!" Mahinang bulong ko sa sarili at napakamot ng batok. Nakakahiya naman itong ginagawa ko. Para akong teenager na takot mahuli ng crush niya na naglalagay ng loveletter sa bag nito. Bwisit! Humakbang akong palayo sa gate pero biglang may tumawag sa akin. "Bethel?" Mabilis akong napalingon at nagulat ako ng mapagsino iyon. Tsk. Bakit pa ko magugulat eh dito siya nakatira. "Nana Yoling?" Pumihit akong paha

