PAGE 6
Kiss me
********
BREAK TIME at feel na feel ko ang pagpapahinga ko sa isang bahagi ng M.E. Building. Nasa 20th floor ako, sa isang manmade garden na sadyang naroon para sa mga oras ng break ng mga empleyado ay may matambayan sila. Empleyado naman ako kaya nandito ako. Over view sa bahaging ito ang malaking bahagi ng Metro at mula dito ay tila langgam na lang ang mga kotse sa mga kalsada. Tapos tuldok na lang ang mga tao. Ang gandang tignan.
Nakaupo akong pasandal sa may salaming haligi. Naka-indian seat, medyo malakas ang volume ng headset na nasa tenga ko at may hawak na lapis at notebook na nakapatong sa lap ko. I was playfully tapping my pen sa notebook ko habang sinasabayan ang awit na naririnig ko.
I love music. Kahit hindi ako love ng music.
Ipinikit ko ang aking mga mata para mas ma-feel ang moment. Since wala namang tao pa sa area at ako lang ang madalas na narito sinasamantala ko ang pagkakataong pahinga ko mula sa work. Mamaya ay maglilinis na naman ako ng office ni Sir Marcus at kailangan ko ng lakas para magawa iyon ng tama.
This past few days kasi ay napapansin ko iyong pago-obserba ni Sir Marcus sa kilos ko. Para bang kapag nasa loob ako ng office niya at naroon din siya ay nakatitig siya sa bawat galaw ko. Nakaka-kaba. Inaabangan ba ako na magkamali.
Sana nga feeling ko lang yun at nag-aassume lang kaya lang may ilang beses ko na rin kasi siyang nahuli na nakatitig sa akin. Lalo na sa mukha ko. As if he was memorizing it or looking for something. Ewan ko ba.
Siguro may naalala siyang tao sa mukha ko. Pero never siyang nagtangka na kausapin ako ng hindi related sa trabaho.
Well, okay lang naman yun.
Okay lang ba yun?
Sabi niya bawal daw ang ma-inlove pero kapag nagpatuloy siya sa pakikipag-eye-to-eye contact sa akin. Baka mahulog na akong talaga at hindi niya ako masasalo.
Gosh! Ayoko pong mag-assume. Please naman.
Huminto ako sa pagtap ng pencil ko sa notebook.
Yeah right Bethel! Stop assuming kasi imposible iyang iniisip mo. Empleyado ka lang niya at hanggang dun ka lang.
Napapitlag ako nang biglang may humila sa headset mula sa isang tenga ko. Napamulat ako ng mga mata at agad na napalingon sa isang taong naupo sa tabi. Bahadyang napaawang ang labi ko sa pagkabigla nang mapagsino iyon. Inilagay niya sa kaniyang tenga ang other side ng headset at nakangiting tumingin sa akin.
"Collide?"
Umarko ang kilay ko at ngumiti. Si Henry pala. Akala ko kung sino.
"Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seems to rhyme
Out of the doubt that fills your mind
You somehow find
You and I collide"
Sinabayan ni Henry iyong kanta with a very beautiful voice. Grabe. Nakikilig ako ng wala sa oras pero alam ko na magaling kumanta si Sir Henry. Naikwento kasi sa akin ni Rosie na may inilabas ito na album just last month at on top of record sales pa rin iyon hanggang ngayon.
Celebrity na nga siya pero hindi mo siya madalas makita sa TV dahil ayaw niya. Sabi niya napilitan lang daw siya na gawin ang album na iyon dahil sa isang pinsan. Ewan ko ba kung bakit tumatanggi siya sa mga TV guestings samantalang gustong gusto naman niya iyong napapalibutan siya ng mga magagandang girls.
"I like this song." Aniya habang naka-smile pa rin.
"Mas gusto ko kapag kinakanta mo." Nakangising ani ko sa kanya sabay beautiful eyes.
Sumimangot naman siya. "Tss. Ikaw!!" Bigla niya akong hin-headlock at ginulo gulo ang buhok ko. Napatili ako ng malakas.
"AYY!!" Nabasag na talaga ang kaninang katahimikan sa kinaroroonan namin.
Tawa naman ng tawa si Henry. "Ang bolera mo kasi." Habang ginugulo ang buhok ko.
"Aaww!!" Pinilit kong makakawala sa kanya. "Tch! Kainis!" Nakawala na ko. "Nakakainis ka." Sabay hampas sa balikat niya. Nagulo na ng sobra ng buhok ko sa ginawa niya eh. "Totoo naman ang sinasabi ko."
"Haist." Umiling ito. "I am never confident with my singing voice pero kapag sinasabi mo yan. Natutuwa ako."
"Totoo naman kasi iyon. Wait lang." Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Lagi ko ngang pinakikinggan ang album mo oh. Ang sarap kayang pakinggan."
"Tapos nakakatulog ka na."
"Atleast natutulog akong naka-smile." Humagikgik pa ko ng mahina.
"Letse." Tawa niya.
Tumawa din ako ng mahina.
Since the day na nagkita uli kami sa office ni Sir Marcus. Naging madalas na rin ang punta niya sa M.E. building. At most of the time ay hinahanap niya ako at ini-spend ang ilang oras kasama ako. Hindi ko yun sinasabi kay Rosie. Magiging malaking issue kasi iyon. Ang friendship namin ni Henry ay isang malaking sekreto. Secret sa lahat.
Syempre nagtataka naman ako kung bakit nakikipag-friends sa akin si Henry. Ang sabi niya lang, since mas bata daw ako sa kanya at wala siyang mas batang sister. Gusto daw niya akong little sister.
Well, wala akong older brother.
At magkasundo kami sa kape.
Biglang napabaling ang tingin niya sa may notebook ko at walang babalang kinuha iyon. "You sketch?"
"Panget ba?" Minasdan ko siya habang iniisa isa ng buklat iyong notebook ko.
"You draw dresses. Nice. This is good."
"Wala lang akong magawa."
"You can be a designer. I think you're good." Habang matiim na tumititig sa nga gawa ko.
"Hindi rin." Umiling iling ako. Pero naramdaman ko ang pag-blush ng mga pisngi ko. Its not the first time na may nagsabi na maganda ang mga sketches ko. Pero unang beses na lalake ang nagsabi sa kin.
"Oo kaya. Wait. Maybe you can be my designer."
"Oi!" Bigla kong inagaw yung notebook mula sa kanya. "Ayoko nga. Hindi pa ko confident sa gawa ko. Ayokong mapahiya."
"Sayang naman ang talent mo."
"Okay lang."
"Hindi okay yun. Dapat ay um-attend ka ng formal training. Hayaan mo, ako ng bahala dun."
"Oi, hindi na. Wag na." Panay ang iling ko sa kanya pero inismiran niya lang ako at hindi pinansin. I'm not sure kung seryoso ba siya dun. Iniba na lang niya yung topic and talk about all his past girlfriends at nililigawan hanggang sa ngayon. May pagkakataon nga na nagdala pa siya ng picture ng bago niyang prospect at pinapakilatis sa akin. Gusto ko nga syang sakalin kasi hindi dapat siya naglalaro ng ganun sa mga girls. Pero in the end natatalo lang ako sa argument kasi mas matalino siya kesa sa akin at hahayaan ko na lang siya.
Haist. I've never had a guy bestfriend like him. I've never had a brother as charming as him.
Masaya kami palage at wala akong maramdamang mali dun.
*****
I WAS on the way sa top floor ng building at marahan kong itinutulak iyong aking cart sa gilid ng maluwang na corridor. Halos malapit na ang uwian nun at mayamaya ay tahimik na naman ang buong building.
"O, ano pareng Rowen? Pwede ka ba sa weekend?"
Natigilan ako nang marinig iyon. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ang dalawang lalake na huminto mula sa paglalakad sa may kanto ng hallway.
All of a sudden my heart begins to stomp violently. Specially nang mamukhaan ko ang isa sa mga lalakeng nakatayo dun.
"Weekend ba? O sige ba. Namiss ko na rin ang magbasketball."
Nanlaki ang mga mata ko.
O, my God! Panaginip ba ito? Sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito bakit ngayon ko lang nalaman na nandito din pala siya.
Bigla kong hinila iyong cart ko paatras sabay liko sa unang kanto na nakita ko. Naririnig ko iyong mga yabag nila na papalapit at patuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan. Lalo akong nagmadali. Napangiwi ako ng marealize kung saan ako papunta. Restrooms. And still nasa likod ko pa rin sila at mukhang papunta din dito. Dead end pa naman yung daan.
Ampotek! Anong gagawin ko?!
Nataranta ang utak ko at bigla na lang akong pumasok sa isang pinto without even looking.
Sakto naman na pagpasok ko ay bumukas ang isang cubicle at niluwa ang isang napakagwapong nilalang.
Oh! Great Bethel!
Saglit!
Tama na muna ang landi. And for God Sake! Hindi mo siya pwedeng landiin cause he is your boss.
Nakagat ko ang aking ibabang labi sa pigil na pagreact.
O, my! Of all people in this building ba't si Sir Marcus pa?! Bakit siya nandito?!
Saglit kaming nag eye to eye contact.
Narinig ko na ang papalapit na boses mula sa labas. Napalingon ako sa pinto at namutla. Papunta sila dito?! Lalong hinalukay ng kaba ang dibdib ko and I was in panic mode. Doble doble pa.
Paglingon ko at nagtama ang mga paningin namin ni Sir Marcus. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong linapitan at hinawakan sa kamay, hinila at patulak na pinapasok sa loob ng cubicle. Mabilis din niyang inilock iyong pinto.
Isinandal niya ako sa may pinto. Nagkatitigan kami at sabay na napasinghap ng marinig na may pumasok sa restroom.
"I think you should reconsider that promotion Rowen. Minsan lang yun dumarating. At hindi iyon dumarating in instant kahit kanino."
"I was thinking about it. Pero ayokong magmadali."
Muli akong napasinghap nang marinig ang boses na iyon. Kinilabutan ako sa ulo at bumbunan. I know that voice very well. So much well. Hindi ko napigilan ang pangangatog ng labi ko.
Napapitlag ako ng biglang ilagay ni Sir Marcus ang kamay niya sa bibig ko para pigilan akong makagawa ng anumang ingay. Nanlaki ang mga mata ko at tumitig sa kanya. Pinanliitan naman niya ako ng mga mata.
What the hell?!
Hinawakan ko ang braso niyang nakapigil sa akin. Sinubukan ko iyong tanggalin pero lalo lang niya akong itinulak sa pinto at bahadya pang lumapit. Suminghap ako para lang ma-inhale ang kabanguhan niya. Aww! Gosh!
And now where so, so close to each other. Dama ko na iyong init ng binubuga niya na hangin. Na-inhale ko na ang napakabango niyang man scent. And, God! Nakatitig pa rin siya sa akin na halos tumatagos na sa buto at kaluluwa ko.
Hindi ko na nasundan iyong pag-uusap nung dalawang lalake na tinatakasan ko. Mas nahulog ako sa kaisipan nandito ako sa harap ni Sir Marcus at halos ga-hibla na lang ang layo namin sa isa't isa. Okay, inches naman. Pero, ang lakas ng kabog ng puso ko at nakakatakot na baka marinig niya iyon.
For the first time ay natitigan ko ng mas malapit at matagal ang mga mata niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang habang tumititig ako sa mga matang iyon, nanghihina ako. Parang hinihigop nito lahat ng energy ko sa katawan at nanlalata ako. Gusto kong bumagsak sa lang bigla, sa bisig niya.
Nang marinig ko iyong pagsara ng pinto ng restroom ay saka lang ako nahimasmasan, pero nasa bibig ko pa rin ang kamay ni Sir Marcus kaya hindi ako makakilos. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at muling pilit na sinubukang tanggalin ang kamay niya. Nakita ko ang pagtagis ng kaniyang mga bagang then marahang tinanggal iyong kamay niya sa bibig ko. Pero hindi pa rin siya lumayo. Itinukod naman niya iyon sa may gilid ng ulo ko.
Napabuntung hininga ako ng malalim. Nag-uunahan pa rin sa kaba ang dibdib ko at feeling ko kakapusin pa rin ako ng hangin. "Sir--"
"Stay still." Bulong niya habang nakatitig pa rin sa mukha ko.
Natahimik ako. Napalunok. I was torn between the thought of pushing him away and letting him stare at me with no valid reason.
Anong problema niya?
Ito yung klase ng tingin niya na tila may nakikita sa akin na hindi ko alam. O tingin na tumatagos sa buto at binabasa pati ang kaluluwa ko.
Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang adams apple. Umakyat ang tingin ko sa maga mata niya. Iyong mga mata niyang matagal ko ng pinapangarap na matitigan ng mas malapitan ay narito na.
Deep black expressive eyes.
Para namang lalong nagwala ang mga kulisap sa sikmura ko ng maramdaman ang pagdampi ng mainit na hangin sa pisngi ko. Sunod sunod akong napalunok habang unti unting nawawala ang pagitan sa aming mga mukha. Mariin akong pumikit. Tila nabitin ako sa hangin at natuod sa pagkakatayo. Gumagapang ang kilabot sa buo kong sistema.
Number three rule. "Never fall in love with me."
Pero bakit ganito? Hindi ako in love sa kanya but God i want him to kiss me. Legal bang hingin ko yun? Naikuyom ko ang aking mga kamay.
Nanginig ako habang hinihintay ng susunod na mangyayari. Naramdaman ko iyong biglang gapang ng kilabot sa tenga ko.
"Ms. Del Rosario. To my office now."
Sabay mulat ko ng mata.
******