Page 7

1722 Words
PAGE 7 Promise ******** NAPAMULAT AKO ng mga mata at tumitig sa kanya. Narinig ko iyong tunog ng lock ng pinto ng cubicle sa gilid ko. Umatras si Sir Marcus mula sa akin para bigyan space kami pareho para makalabas. Empty ang restroom. Walang anumang bakas ng kung may tao man na pumasok roon. Lutang ang utak ko. Nang makalabas ako ng cubicle ay deretso ang hakbang ko papalabas ng restroom na iyon. Natagpuan ko iyong cart ko na nasa gilid pa rin ng corridor. Lumapit ako roon, humawak at natulala na naman. Anong ginawa ko? Nag-angat ako ng tingin nang lumabas si Sir Marcus mula sa restroom. Hindi na niya ako nilingon. Minasdan ko na lang siya na papalayo habang unti-unting nag-si-sink ang mga bagay bagay sa utak ko. O, my God! O, my God! Nanghihinang napaupo ako sa sahig. "Lagot na ko." Napuno nang luha ang mga mata ko. Alam ko na ang mangyayari. Alam ko na. ***** NANGANGATOG AKO ng dumating sa top floor. Katulad ng nakasanayan ko ng gawin ay kumatok muna ako sa pinto. Wala nun si Ms. Torres. Hindi ko sure kung nautusan ba o wala talaga. After minutes ay marahan na akong pumasok sa loob ng maluwang na office. Nakita ko si Sir Marcus na nakatayo sa tapat ng nakaopen na blinds ng bintana. Kita roon ang maaliwalas pa na panahon sa labas. Pero kahit maaliwalas pa ang panahon sa labas parang binabagyo na sa kaba at takot ang dibdib ko. Natatakot ako. Alam ko na ang posibleng maganap pero panay ang dasal ko sa isip na sana.... sana.... hindi mangyari. Lumingon siya sa akin with his usual unexpressive face. Saglit akong tinitigan, humakbang papunta sa may harap ng desk niya at sumandal doon. Humalukipkip at tumitig muli sa akin. Bahadyang napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin pero nang makita kong tumaas ang isa niyang kilay napasinghap ako. Tumikhim ako at lumunok pa ng isang beses. "Sorry po Sir." Nagbaba ako ng tingin. "Sorry po. Nataranta lang po ako at hindi ko napansin na restroom ng lalake iyong napasukan ko. Sorry po talaga." Napahawak ako sa laylayan ng suot kong uniform at nilaro iyon sa kamay. "Nataranta ka Ms. Del Rosario? Bakit?" Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ang matiim niyang mga titig. "Ano po kasi --" "Ano?" Nagtagis ang kanyang mga bagang. Dama ko na nagpipigil siya ng galit sa akin. Nanginig ang labi ko. Lalong pinanlamigan sa pakiramdam. Tama ito. Dapat sabihin ko ang dahilan. Pero parang mali. Hindi ko dapat sabihin. "Ano Ms. Del Rosario?" Bahadyang umugong ang boses niya sa buong silid nang tumaas ang tono niya. Napapitlag ako sa kinatatayuan at muling suminghap. "Nataranta po ako na baka makita nila ako. Kilala ko po sila eh. Mga classmates ko po sila noong high school." "Tinataguan mo ba sila? May utang ka ba sa kanila na hindi mo nabayaran?" "Hah?!" Natulala ako. "If you continue blaffering your answer Ms. Del Rosario ipapatawag ko mismo si Mr. Rowen Salvacion and have him explain what's the deal between you two." "Wag po!" Mabilis akong nakareact. Lalong nagdilim ang mukha niya. "Wa-wag na po. Kasalanan ko po talaga." Bumuntung hininga ako ng malalim. "Nakakahiya po kasing sabihin sa inyo pero --" Biglang kumilos si Sir Marcus at inabot iyong intercom niya. Nagdial siya roon at alam ko na may tatawagan na siya. Nataranta ako. Mariin akong pumikit at malakas na nagsalita. "May gusto po ako sa kanya noon. Pero hindi niya po alam. Niligawan niya po ako pero binasted ko siya kasi -- kasi takot po ako nun." Pag-angat ko ng tingin at agad na gumulong iyong mga luha sa pisngi ko. Huminto si Sir Marcus at dahandahang ibinaba na yung phone bago tumingin uli sa akin. Napahikbi ako. "Yun po yung dahilan.  Sorry po." Saglit na katahimikan ang narinig ko. Alam ko na nakatingin siya sa akin. Habang ako, ilang beses pa na humikbi. Napapiksi siya bigla. "Tss. And why the hell are you crying now?!" Lumunok ako at pinilit na tumitig sa kanya. Hindi dapat ako iiyak. Pinipigil ko ito kanina pa pero hindi ko na nagawa. Naghahalo ang kaba at takot sa dibdib ko at hindi ko magawang ipakalma ang aking sistema. "You saw him. Nataranta ka at umiiyak ngayon. You are unbelievable Ms. Del Rosario!" Marahas siyang bumuga ng hangin at lalong nagdilim ang anyo. He was so angry right now. Sobrang galit na hindi ko maintindihan kung bakit. "Do you, by any chance still like him?" Natigilan naman ako. Do i? Nakakahiya man aminin. Humikbi uli ako kinagat ang aking labi at marahang tumango. Natahimik ang paligid. Nabasag lang ng muli akong napahikbi. Sa paniniwala ko, walang mali sa pagmamahal pero ngayon, hiyang hiya akong sabihin na hanggang ngayon ay gusto ko pa rin ang nag-iisang crush ko mula pa noong high school. Narinig ko iyong pagkawala niya nang mabigat na buntung hininga. "You're fired Ms. Del Rosario." Nanlaki ang mga mata ko at awtomatic na napahinto sa pagluha. "Ho?" "I said, you're fired! Umalis ka na." Tumalikod siya mula sa akin at lumakad papalapit sa swivel chair niya sa likod ng desk. "SIR?!" Humakbang ako palapit pero natigilan rin. Nanghina ang mga tuhod ko. "Leave!" Nakakatakot niyang sigaw na nakapagpa-atras sa akin. Huminga ako ng malalim at walang salitang umalis. ***** UMIIYAK AKO pagdating ko sa may maintenance lounge at nakita ako ni Rosie. Iyong iyak ko talaga kanina. Natuluyan na.  Tanong siya ng tanong kung anong nangyari pero wala akong maisagot. Sobrang sama ng loob ko at galit din ako. Alam ko na may mali akong nagawa pero sapat ba yung dahilan para patalsikin niya ako ng ganun lang sa isang iglap. Hindi fair. Sobrang hindi fair. Gusto kong sumigaw sa galit pero hindi ito ang tamang lugar para roon. Nagkulong ako saglit sa may CR habang pilit kong inaayos ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi na ko mausisa ni Rosie kasi nakaduty pa siya. Nang papalabas na ako ng building ay nakasabay ko pa iyong ilang empleyado na pauwi na rin. Dapat ay hanggang mamaya pa akong gabi pero dahil sa nangyari nasira na ang schedule ko. May ilang sandali akong nanatiling nakatayo sa may gilid ng daan habang naghihintay ng masasakyan. Punong puno ng sakit at lungkot ang dibdib ko. Pinipilit ko na kalimutan iyong naganap pero hindi ko magawa. Nakakainis. Nakakainis talaga. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kay Sir Marcus. Naiinis ako dahil hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko. Walang laban akong natanggal sa trabahong ilang buwan ko ding pinagdasal na makuha. Naghirap din ako. Nagsipag sa abot ng makakaya ko pero ganito lang pala ang mangyayari. Shet lang. Pinahid ko ng palad iyong kanan kong mata at umiling iling. "Bethel?" Gulat akong napalingon nang marinig ang boses na iyon. Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat at hindi agad ako nakareact hanggang sa lubusan na siyang nakalapit sa akin. "Bethel? Sabi ko na nga ba ikaw yan eh." Ngumiti siya. Biglang kumabog ang puso ko at feeling ko naiiyak na naman ako. "Rowen." Mahinang bulong ko. Kanina ay para akong tanga para lang makaiwas na makita niya. Natanggal ako sa trabaho dahil inuna ko ang kahihiyan ko dahil ayaw kong makita ako ni Rowen na naka-uniform ng janitress sa opisinang pinapasukan niya. Walang saysay din ang lahat. Walang kinahatungang maganda ang katangahan ko dahil eto at nakita pa rin niya ako. Inuna ko pa kasi ang pesteng pride ko. Sandali ko siyang tinitigan. Malaki na ang ipinagbago niya mula ng huli kaming magkita. Mas mainam na siyang manamit ngayon. Mas kagalang galang. Noon naman ay simple lang siyang manamit. Tipikal na teenager ba sa kapanahunan namin. Pero hindi ko maitatanggi na malakas na ang dating niya sa akin kahit noon pa man. Hindi ko lang ipinaalam dahil nahihiya ako. Ako kasi iyong mahiyaing tipo ng estudyante during high school. Average school girl ako at siya ay laging nasa top section. Crush ko siya pero crush din siya ng marami pati na rin ng mga close friend ko. Kaya nga kahit gusto ko na siya noon at nanligaw siya sa akin bago dumating ang graduation namin, hindi ko siya sinagot. Nauna na kasi iyong takot at hiya ko. Nang ngumiti siya sa akin para akong tinusok ng aspile sa puso. Bumalik iyong kirot na naramdaman ng bata kong puso. Natuto ako noong magparaya para sa iba kahit walang nakakaalam sa ginawa ko. Nalaman ko noon na hindi lahat ng bagay na gusto ko ay makukuha ko kahit halos abot kamay na ito. May mga bagay na hindi mo maaangkin kahit nakalatag na ito sa yong harapan. May kapalit ito. Lahat. At minsan ang kapalit nito ay mas masakit pa sa sayang madarama mo. "Kamusta na? Dito ka din pala nagtatrabaho?" Aniya. Nakatayo siya sa harap ko at nakakipkip ang mga kamay sa magkabila niyang bulsa. Napalunok ako. Bahadyang lumingon sa likod ko kung nasaan ang malaking building ng M.E. May mapait na ngiting gumuhit sa aking labi. "Ang totoo." Tumingin ako sa kanya. "Kanina nagtatrabaho pa ko dyan pero ngayon hindi na." Kumunot ang gwapong mukha niya. "What do you mean?" "Natanggal kasi ako sa trabaho kanina lang." Pilit akong ngumiti na naging ngiwi lang dahil sa pagkapilit. "Oh?!" Nabigla naman siya. Na-confused kung anong reaction ang ipapakita sa akin. Nagbaba ako ng tingin para itago ang luhang sumungaw na naman sa mga mata ko. Nakamot ako sa aking batok at bumuntung hininga. "Okay ka lang ba?" May kalakip na concern iyong tono niya. "Wait lang. Pauwi ka na ba? Kung okay lang sa 'yo, i-treat kita ng favorite mo. Ahmm... ice cream right. Chocolate." Nag-angat ako ng tingin at muli ay ngumiti siya sa akin. "Com'on. Hindi bagay sa yo ang ganyang nagmumukmok." "Wag na lang Rowen. Sa ibang pagkakataon na lang." Pilit akong ngumiti. "Kailangan ko ng umuwi. Sige hah." Itinaas ko ang aking kamay bilang paalam at humakbang palayo sa kanya. "Bethel?" Sinalubong ko na yung paparating na dyip at nang huminto iyon ay agad akong lumulan. Nakakaawa na ako at ayoko ng kaawaan pa ng husto lalo na at siya. Habang papalayo ang nasakyan kong dyip sa builiding ng M.E. ay iisa lang ang nasa isip ko. Hinding hindi na ako tatapak muli sa building na ito. Promise. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD