Ang ingay ng chopper blades ay bumibingi sa akin, pero mas nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni Devon. Nakatunganga ako sa bintana habang lumalapag kami sa private island ng mga Salvador sa Palawan. Mula sa itaas, para itong isang piraso ng langit na nahulog sa lupa. Ang tubig ay turquoise, malinaw na malinaw kaya kitang-kita ang mga coral reef sa ilalim. Ang buhangin ay kulay powder white, humahalik sa paanan ng matatayog na coconut trees. Napakaganda. Napakayaman. At napakasakit tignan. Kumirot ang dibdib ko. Ito 'yon. Ito ang pangarap ko noon. Naalala ko noong bagong kasal kami. Nakahiga kami sa maliit naming kama na sira ang spring. Yakap-yakap ko si Devon habang nagpapakita ako ng mga brochure ng El Nido at Coron. "Devon, kahit dito lang oh. Kahit budget tour lang. Gu

