Binuksan ni Lucien ang pinto ng kanyang condo at sumalubong sa akin ang isang amoy na malayong-malayo sa nakasanayan ko.
Walang trace ng mabibigat na pabango ng mga Salvador, walang amoy ng mamahaling air freshener na pilit na tinatakpan ang baho ng mga sekreto sa loob ng mansyon.
"Pasok ka," mahina niyang sabi, inilalapag ang basang payong sa gilid.
Humakbang ako papasok, ang mga paa ko ay nag-iiwan ng bakas ng tubig at putik sa makintab niyang sahig. Hiyang-hiya ako. Pakiramdam ko, dinudumihan ko ang santuwaryo niya. Ang buong unit ay kulay abo, itim, at puti. Walang mga antique na vase, walang malalaking painting ng mga ninuno na nakatingin sa’yo nang mapanghusga.
"Sorry... nadudumihan ko ang sahig mo," bulong ko, nanginginig pa rin ang boses at katawan.
"Sahig lang 'yan, Laura. Mapapalitan, malilinis," sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa mga putik. "Ang importante, safe ka na."
Dumeretso siya sa isang kwarto at paglabas ay may dala na siyang tuwalya at damit.
"Mag-shower ka muna. Para mainitan ka. Nasa kanan ang bathroom," inabot niya sa akin ang mga gamit. "May heater diyan. Gamitin mo 'yung sabon sa kaliwa, mild lang 'yun."
Tumango lang ako at pumasok sa banyo.
Nang tumama ang mainit na tubig sa balat ko, doon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko. Hapdi. Ang bawat gasgas sa tuhod at paa ko ay kumirot. Pero mas masakit ang paghuhugas ko sa sarili ko.
Napaupo ako sa tiles ng shower floor. Niyakap ko ang sarili ko at umiyak nang walang tunog. Ang tubig at luha ay naghahalo, pero ang sakit sa dibdib ko ay hindi nahuhugasan.
Pagkatapos ng mahabang oras, lumabas ako suot ang damit na pinahiram ni Lucien. Isang malaking itim na t-shirt na abot hanggang hita ko at isang maluwag na jogging pants. I felt small inside his clothes. Like a child wearing her father's armor.
Paglabas ko, amoy tsokolate ang bumungad sa akin.
Nasa maliit na kitchen counter si Lucien, nagtitimpla. Lumingon siya nang marinig ang yabag ko. His hair was still damp, messy in a way that made him look approachable, unlike the rigid perfection of Devon.
"Here," inabot niya sa akin ang isang mug. "Hot chocolate. Hindi ka pa pwedeng mag-kape, masyadong matapang para sa sikmura mo ngayon."
Kinuha ko 'yon. Ang init ng ceramic mug ay gumuhit sa nanlalamig kong mga palad.
"Salamat," garalgal kong sabi.
Dinala niya ako sa sofa. Umupo ako sa dulo, nakakukot ang mga paa. Iniexpect ko na uupo siya sa tabi ko o sa tapat na upuan, pero hindi.
Umupo siya sa sahig.
Sa makapal na carpet, sa tapat ng coffee table, humarap siya sa akin. He placed himself lower than me. He gave me space. He didn't tower over me like Devon always did when we talked. He made sure I didn't feel threatened.
Tahimik lang kami ng ilang minuto. Ang tanging tunog ay ang mahina kong paghigop sa tsokolate at ang humming sound ng refrigerator.
Tinitigan ko siya. Bakit niya ginagawa 'to? Bakit siya andito? We were just college classmates. Not even best friends.
"Bakit ka nandito, Lucien?" basag ko sa katahimikan. Ang boses ko ay mahina pero seryoso. "Bakit mo ako tinulungan?"
Lucien looked at me over the rim of his own mug. His eyes were soft, puno ng awa pero may halong pag-iingat. Guarded.
"Nabalitaan ko ang nangyari," panimula niya. "I have contacts inside the hospital where you were admitted. Nalaman ko ang tungkol sa... procedure."
Napayuko ako, ramdam ko ang init na umaakyat sa mukha ko. Hiya. Alam niya. Alam niyang wala na akong kwentang babae.
"Ang pamilya Salvador..." pagpapatuloy niya, tumigas ang boses. "They have a reputation, Laura. They clean up their messes smoothly. They dispose of people who become inconvenient."
"Disposing," inulit ko ang salita. Mapait. Masakit. "So 'yun lang pala ako? Basura na kailangang itapon kasi sagabal ako sa kanila?"
"No," Lucien said firmly.
Nag-angat ako ng tingin. Nakatingin siya sa akin nang diretso, walang pag-aalinlangan.
"You were not trash, Laura. You were a threat," he said with conviction. "You were a threat to Margaret's control over Devon. You were a threat to their business alliance because you weren't from a rich family. That makes you powerful, Laura. Takot sila sa kung anong kaya mong gawin sa 'perfect' na pamilya nila. You just don't see it yet because you're hurting."
Tumayo siya at lumapit sa isang drawer sa ilalim ng TV console. May kinuha siyang isang itim na folder. Bumalik siya sa pwesto niya at inilapag ito sa lamesa sa pagitan namin.
"I'm not just a boring corporate lawyer, Laura," sabi niya. "I specialize in mergers, acquisitions... and messy takeovers. Trabaho ko ang maghanap ng butas sa mga kumpanyang akala nila ay untouchable."
Tiningnan ko ang folder. Walang label, pero alam ko kung ano ang laman nito. Binuksan ko ito.
Mga litrato. Financial statements. Profile ng Salvador Group of Companies.
Nandoon ang mukha ni Devon. Ang mukha ni Margaret. Ang mga illegal transactions na nakatago sa ilalim ng charity foundations.
"Anong... anong gagawin ko dito?" tanong ko, nalilito.
"I can help you," Lucien said quietly but intensely. "Pero hindi sa paraang iniisip mo. Hindi kita bibigyan ng pera para lang magtago sa probinsya at umiyak habang buhay. Hindi kita aalagaan para lang maging victim habang panahon."
Sumandal siya sa sofa, tinitigan ako na parang sinusuri ang kaluluwa ko.
"Tutulungan kitang maging sandata. Tutulungan kitang durugin sila gamit ang sarili nilang laro."
Napahigpit ang hawak ko sa mug. My heart started to race—not out of fear, but out of something else.
"Anong kapalit?" diretsahan kong tanong.
Natigilan siya.
"Nothing is free in this world, Lucien," dagdag ko, ang boses ko ay naging matalas. "Natutunan ko 'yan sa kanila. Ang pagmamahal may kondisyon. Ang pagtulong may presyo. Anong gusto mo? Katawan ko? Serbisyo ko? Sabihin mo na ngayon."
Lucien paused. For a second, I saw something flicker in his eyes. Pain? Hurt? Or was it longing?
Mabilis niyang itinago 'yon. Huminga siya nang malalim at ngumiti nang mapait.
"Ang kapalit ay hustisya," sagot niya. "Galit ako sa mga taong tulad nila, Laura. Galit ako sa mga taong umaabuso ng kapangyarihan para manakit ng iba. Personal ito sa akin."
Yumuko siya nang kaunti, nilalaro ang hawakan ng mug niya.
"And... let's just say," he continued, his voice softer now, almost a whisper. "I never liked how Devon looked at you back in college."
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"He looked at you like you were property. Like something he owned, not someone he loved," tumingin siya sa akin ulit. "It annoyed me back then. Seeing you shrink just to fit into his world. Seeing your light dim just so he could shine brighter."
I felt a lump in my throat. Someone saw. All those years, akala ko ako lang ang nakakaramdam. Akala ko paranoid lang ako. Pero nakita pala ni Lucien. He saw me disappearing even before I realized I was lost.
He leaned forward, placing his elbows on his knees. The intensity in his dark eyes returned, burning brighter than before.
"So, Laura Reyes. I'm asking you again."
Tinuro niya ang bintana kung saan makikita ang malakas na ulan at ang madilim na siyudad.
"Do you want to die on that bridge? Do you want to remain the pitiful ex-wife na tinapon nila?"
Ibinalik niya ang tingin sa akin, sa mga mata ko, hanggang sa kaluluwa ko.
"Or do you want to burn their world down? Do you want to make them pay for every tear, every drop of blood, every dream they stole from you?"
Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng bintana.
Nakita ko ang isang babaeng payat, maputla, at sabog ang buhok. Mukha akong multo. Ang inosenteng Laura... ang martir na asawa... ang babaeng naniwala sa happy ending...
Hinawakan ko ang peklat. Wala na akong mawawala. Ubos na ako. At kapag ubos na ang isang tao, wala na ring pwedeng kumuha sa kanya.
I took a sip of the hot chocolate. It was sweet, warm, and comfortin.
Ibinalik ko ang tingin kay Lucien. Nakita ko ang pag-asa sa mga mata niya. Hindi pag-asa na magiging okay ako, kundi pag-asa na lalaban ako.
"Burn it," I whispered.
Then I said it louder.
"I want to burn it all. Gusto kong maramdaman nila ang sakit. Gusto kong makita silang lumuhod at magmakaawa, tulad ng ginawa ko."
Lucien nodded slowly. A grim satisfaction settled on his face. Isang maliit na ngiti ang sumilip sa mga labi niya.
"Good," sabi niya. "Then finish your drink. Bukas, magsisimula tayo. We have a lot of work to do."