Chapter 38 Napagdesisyunan ni Ayesha na magbakasyon muna out of town para makapag-isip-isip ng mga hakbangin na kailangan niyang gawin sa buhay niya. Napili niyang balikan ang Balesin para doon magpalipas ng ilang araw tutal ay nasa vacation leave niya pa rin naman siya. Hindi na siya nag-abala pang isama si Maria. Nais niyang mapag-isa. “Yes, deserve mo iyan. Mag-unwind ka nga muna. Sayang nga lang at hindi ka namin masasamahan. Alam mo na, adulting, marami akong responsibilities dito.” Sabi sa kaniya ni Janiel nang tawagan niya ito at ipaalam sa kaibigan ang plano niyang pagbabakasyon. Nauunawaan naman niya ito bukod sa abala ito sa negosyo nito may dalawang chikiting pa ito. “Okay lang, girl. Gusto ko rin kasing mapag-isa muna.” Sabi niya sa kaibigan. “Are you sure? I

