Chapter 37 TATLONG araw nang nakakabalik si Ayesha sa Maynila pero isang beses palang siyang lumabas ng bahay. Iyon ay noong nagkayayaan sila ng kaniyang mga kaibigan. Naiinip na siya sa bahay. Hintay siya nang hintay ng tawag o text mula kay Joe, pero dahil hindi naman siya nagpasabi man lang dito—as usual, no goodbyes na naman sila—ay napaka-foolish naman yata na umasa siya na hahabulin siya nito hanggang sa Maynila. Kung noong nasa Matina nga siya ay hindi nito iyon ginawa. Nagsisisi siya kung bakit siya bumalik sa Maynila. Hindi siya dapat nagpatangay sa mga sinabi ni Clarissa. Wala pa ring katao-tao sa bahay nito. Malamang ay nasa Matina pa ito, kapiling ni Joe. Pero pagkalipas ng tatlong araw na pagmumuni-muni, konsuwelo de-bobo na rin niya na kahit papaano ay naging kla

