Chapter 36 HINDI matanggihan ni Ayesha ang imbitasyon ng kaniyang dalawang best friend na magkita-kita sila. Matagal-tagal na nga rin naman kasi ang huli nilang pagkikitang tatlo. Kung hindi siya nagkakamali ay yaong house warming pa niya ang huli. Gumayak na siya para sa lakad nila. Isang simpleng bestida ang kaniyang isinuot. Nagmake-up siya ng kaunti at saka naglagay ng lipstick. Pinakatitigan niya ang kaniyang repleksiyon sa salamin. Nanlalalim pa ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang pag-iyak mula ng umalis siya sa Davao. Dalangin niyang huwag mahalata ng mga ito ang lungkot sa kaniyang mga mata. Makalipas ang ilang sandali ay minamaneho na niya ang kaniyang sasakyan patungo sa tagpuan nila ng kaniyang mga kaibigan. Nauna siyang dumating sa mga ito. Malapit sa may glass w

