Chapter 35 MADILIM ang anyo ni Joe nang dumating sa villa. Nalaman niya sa mga kawaksi na naroon na umalis nang walang paalam sina Ayesha kanina habang wala siya. Dali-dali siyang nagtungo sa kaniyang cottage para komprontahin ang natitiyak niyang salarin—si Clarissa. At hindi nga siya nagkamali. Lalong nag-init ang kaniyang ulo nang pagpasok palang niya ng pinto ay naamoy niya ang napakatapang nitong pabango at madatnan itong nakasuot ng lingerie nito habang nang-aakit na nakahiga sa kama niya roon habang hinihintay ang kaniyang pagdating. Agad niyang hinablot ang braso nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” singhal niya sa bruhang si Clarissa. Nakalimutan niyang babae ito. “Ano ba? Nasasaktan ako, Joe!” piksi nito. “Masasaktan kang talaga! Ano’ng ginawa mo kay Ayesha?

