Chapter 33 NARINIG ni Ayesha ang mga yabag ni Joe patungo sa kuwarto niya. Kumatok lang ito nang ilang beses bago binuksan ang pinto. Nakaupo siya malayo sa kama, hinihintay ang pagdating nito. “Hindi ako sigurado kung gising ka pa.” “Do I have any reason to sleep soundly?” sarkastikong balik niya rito. “Hawak mo na iyang mga litratong iyan.” Sabi nitong sa mga larawan na hawak niya nakatingin. Hindi siya sumagot. “Ayaw umalis ng kaibigan mo. Doon siya sa guest room sa villa pinatuloy ng lola ko pansamantala.” Kapagkuwan ay sabi nito. Gusto niya sanang sabihin na ni minsan ay hindi niya naging kaibigan si Clarissa ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi pa rin siya kumibo. “I’m not here to talk about her, Ayesha. Wala siyang relevance sa buhay ko

