“Hey? What are you talking about?” nag-aalalang tanong ni Chase habang pinapanood ang binatang tila na gulat sa kung ano. “I… I can see your face…” hindi makapaniwalang saad ni Silver bago muling binalingan ng tingin ang kambal na tahimik na natutulog sa kama. Dumilim ang mukha ni Chase nang mapagtantong may kakaiba sa binata. “What’s wrong, Silver? Are you… Are you sick?” Hindi sumagot si Silver sa tanong ni Chase. Hinayaan niya ang sariling makita ang mukha ng mga anak kahit na medyo may kalayuan ang distansya niya sa mga ito. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Akala niya noon nang una niyang marealized na nakikita niya ang mukha ni Savannah ay masaya na siya. Pero ibang klase pala ang pakiramdam na mangyari ang hinihiling niya kani-kanina lang. Ang makita ang mga anak. “Silver

