“Mommy! We miss you sooo much!” Hindi magkamayaw ang dalaga kung sino sa dalawang batang nakayakap sa magkabila niyang binti ang uunahin. Pilit niya ring pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata niya habang tinititigan ang dalawang bata. They both looked like around the age of four to five years old. Magkamukha rin ang dalawa at hindi nakalagpas sa paningin niya ang pagkakahawig ng dalawa kay Silver. Lumipad ang tingin niya sa binatang katabi na titig na titig rin sa dalawang bata. “Let’s go inside first. Slater, Soleil, hayaan niyo muna ang Mommy niyo—” “No! Baka umalis na naman si Mommy!” Sigaw ng batang babae at naramdaman ni Savannah ang paghigpit ng mga braso nito sa hita niya. Hindi alam ng dalaga ang mararamdaman. Hindi siya tanga para hindi maintindihan an

