“Hey, do you feel a bit better now?” Tanong ni Silver sa nobya habang pinapanood itong nginunguya ang sugar cubes na binigay niya. Nanghihinang tumango ang dalaga bago ipinahinga ang ulo sa balikat ng nobyo. Mariing nakapikit ang mga mata nito dahil sa hilong nararamdaman. Huminga ng malalim ang lalaki bago maingat na ibinaba ang supot ng sugar cubes sa lamesa sa harapan nila bago inayos ang pagkakapwesto ng kanyang braso sa balikat ng nobya. “Sinabi ko naman kasi sayo na—” “Shh… Masakit ulo ko.” Putol ni Savannah sa nobyo na napailing na lamang. Tahimik na inantay ni Silver na bumuti ang pakiramdam ng nobya habang marahang hinahaplos haplos ang tuwid na tuwid nitong buhok. “Babe…” Basag ni Silver sa katahimikang bumabalot sa buong opisina ng dalaga. “Is it okay if I quit my job?” Ma

