“Babe!” Natatawang tawag ni Silver sa kasintahang halos hindi na magkandaugaga sa pagpili ng damit na susuotin nila para sa first year anniversary ng Escape. Tumatawa na lamang niya itong nilapitan at niyakap mula sa likuran para pakalmahin. “Nothing would go wrong tomorrow, Van.” “I know… Kaya lang… I don’t know. Parang kinakabahan talaga ako na ewan.” Savannah sighed heavily as she finally let go of the clothes she was holding before turning around to face her lover. “Kinakabahan ako.” Amin niya sa nobya na ngumiti sa kanya bago malambing na isinabit sa likuran ng tainga niya ang ilang tikwas na buhok mula sa pagkakabun nito. “Relax,” ani Silver habang marahan nang hinahaplos ang pisngi ng dalaga habang nakapulupot ang isang braso sa may bewang nito. Pareho silang nakatayo sa may pa

