Tahimik na nakatitig si Savannah sa pintuan ng bahay nila habang naka-upo sa sofa ng living room nila. Mag-aalas dose na ng gabi at wala parin si Silver. Ilang gabi nang ganito ang asta ng binata mula ng tanggihan niya ang proposal nito. Madalas ay makakatulugan niya ang pag-aantay rito at magigising na lamang siya sa kanilang kwarto kinabukasan. She was sure that Silver’s the one carrying her back to their room every night, but he wouldn’t sleep beside her. Narinig niya mula sa mga anak na sa kwarto umano ng mga ito natutulog ang binata. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala mula sa mga labi ng dalaga. Was it really wrong to reject him? But hindi naman siguro tamang pilitin niya lang ang sarili na pakasalan ito. Savannah was in the middle of her thoughts when she heard the kn

