“Ano bang nangyari, Lira?” tanong ni Savannah sa umiiyak na nanny ng anak. Kasalukuyan silang nasa labas ng emergency room habang tinitignan ng mga doktor ang anak na wala paring malay. Karga karga ni Silver si Slater na wala ring tigil sa pag-iyak habang nagwawala dahil gusto nitong malapit ito sa kakambal. “H-hindi ko rin alam, ma’am. Natutulog na kasi kami tapos ginising lang po ako ni Slater kasi daw nahihirapang huminga si Sol. Ma’am hindi ko po talaga alam kung anong nangyari!” umiiyak na kwento ni Lira sa amo na nakapantulog parin. Pinagtitinginan na sila ng ibang pasyente dahil sa pare-pareho silang nakapantulog, nawala na sa isip nilang lahat ang mag-bihis dahil sa pagkataranta. Nagmamadaling binuhat ni Silver ang anak palabas ng bahay at pasakay ng sasakyan habang mabilis na b

