“Dad!” Halos dumagundong sa buong opisina ni Caesmundo ang boses ng kanyang panganay kasabay ng mabilis nitong pagdalo sa kapatid na halos mabuwal sa pagkakatayo dahil sa lakas ng sampal na natanggap mula sa ama. “Dad! What are you doing?!” galit na bulyaw ni Cooper sa ama. “Ano ulit ang sinabi mo, Savannah?” Nagngingitngit sa galit ang mga mata na tanong ni Caesmundo. Hindi matanggap ang narinig na pag-amin mula sa bunsong anak. Naluluha man dahil sa nararamdamang hapdi sa pisngi ay matapang na hinarap ni Savannah ang ama. He raised her this way. He raised her to be strong and firm on everything she wanted to do. Inaapply niya lang ang mga natutunan niya, pero hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang reaksiyon ng kanyang ama. “I am in a relationship with Silver Jacinto, Pa.” Uli

