Malapad ang ngiting pumasok sa loob ng function hall si Savannah. Akay akay ang kanyang ama na abala sa pakikipagsalimuha sa ibang mga panauhin, tahimik na umikot ang mga mata niya sa paligid at agad na nag-taas ng kilay nang makita ang nobyong nakatayo malapit sa may stage, nakatingin na ito sa kanya ng mahanap ang mga mata nito kahit na may isang lalaking nakikipag-usap rito. Ngumisi ang binata at bahagyang inangat ang kopita sa ere na tila inaalok siya. Umirap ang dalaga at akmang ibabalik ang tingin sa nobyo nang maramdaman ang pag-higpit ng braso ng kanyang ama. “Stop flirting.” Mariin nitong bulong bago nakangiting bumaling muli sa kausap. Bigo ang dalaga nang marahan nitong kagatin ang pang-ibabang labi matapos suwayin ng ama. Hanggang ngayon ay hindi parin nito tanggap ang rela

