I pushed the door open at dahan-dahang pumasok sa hospital room. Nakita ko agad ang babaeng nagluwal sa’kin—nakaupo sa kama, may hawak na cup of tea at nanonood ng TV. Nang makita niya ako, ngumiti siya nang malawak, habang ako naman ay halos mapaluha na. Ibinaba niya ang tasa sa bedside table at agad akong niyakap nang mahigpit. “Na-miss kita sobra,” bulong ko, yakap pa rin siya nang mahigpit. “Na-miss din kita, sweetheart,” sagot niya habang hinihimas-himas ang likod ko. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya. Unti-unti akong kumalas at naupo sa upuang malapit sa kama niya. “So, how’s work and everything?” tanong niya. “Na-fire ako sa dati kong trabaho,” sagot ko, pilit na ngumiti. “But I found a new one. Nagta-trabaho ako ngayon bilang kasambahay for a rich couple. Suwerte lang na

