"Huwag mong sabihing pupunta ang babaeng iyon dito?! Bakit kailangan papuntahin dito ha, hindi ka ba nag-iisip? Malaya tayo dito diba, malaya tayong ipakita sa kanila kung ano ang relasyon nating dalawa tapos papapuntahin mo dito ang asawa mo?! Sino ang magmumukhang t*nga?! Sabihin mo sa akin, sino?! Hindi ba't ako, hindi ba't ako ha?! Sasabihin ng mga yan nagpi-feeling amo ako dito, yun pala may asawa ka! Iyon pala may nagmamay-ari na sayo, at ako iisipin nila na kabit lang! Hindi ka ba talaga nag-iisip ha! Hindi ka ba nag-aalala sa image ko, ano ba kasing nangyayari sa iyo Sergio hindi mo na ngayon makontrol ang asawa mo?!" Nanggagalaiting bunganga sa kanya ni Recca ng sabihin niya dito na nais ng magtungo doon ni Samaya at parang wala na siyang magagawa dahil iyon na mismo ang desisyon

