Naging smooth naman ang lahat para kay Samaya sa kanilang bahay, kahit na nasa trabaho si Sergio ng araw na iyon ay naramdaman na niya na talagang may pagbabago. Malaking pagbabago, hindi na rin siya yung kumikilos talagang paggising niya kaninang umaga may almusal na at nakangiti na ang nanay ni Sergio habang nagsisilbi ng pagkain sa pamilya nito. Nang makita siya nito na papalapit ay agad siya nitong inaya sa hapag kainan at agad siyang ipinagtimpla ng kape na samantalang dati ay siya ang gumagawa niyon sa mga ito. Pinagtitimpla niya ng kape, pinagluluto niya ng almusal, pinagsisilbihan hanggang sa makatapos kumain at matapos iyon ay siya naman ang kakain ng almusal, ganon palagi. Matapos niyang mag-almusal maglilinis na siya ng buong bahay at maglalaba ng maruruming damit. Sobrang

