Pagkadating ni Sergio sa kanilang bahay ay nagulat siya ng maabutan niya sa garahe si Samaya, bihis na bihis at pasakay ng kotse nito. Napakaganda nito kahit na malusog pa rin talaga, pero kapansin-pansin ang napakaputi nitong balat lalo pa at itim ang suot nito. Agad siyang bumaba sa kanyang motor para tanungin kung saan papunta ng babae. Mukhang may lakad ito samantalang nagmamadali nga siyang makauwi para lamang makasama ito tapos ngayon darating siya pero paalis naman ang pasaway. "Love saan ang punta mo? Bakit bihis na bihis ka yata at mukhang malayo ang pupuntahan mo ah. Magsa-shopping ka ba love?" Nakangiting tanong niya dito. Pero sa totoo lang naiinis na siya dahil akala pa naman niya ay makakasabay niya ito sa pagkakape. "Sa Manila pupunta ako sa airport susunduin ko yu

