"Dan, magpapahinga ka na. Doon ka tutuloy sa isang silid sa taas, doon sa kabila ha hindi doon sa dati mong inuukopa kasi nandon yung mga kapatid ng asawa ko." Nakangiting wika ni samaya sa kababata. "Uhmm kahit saan my Potpot, basta sinabi mo." Todong ngiti ang pasaway. At talaga inayos pa nito ang kanyang buhok ayun kasi talaga ang gawain nito, palagi nitong inilalagay ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga. "Sira! Sige na nga kasi akyat ka na doon at mamaya mag midnight snack tayo. Ano bang gusto mo? Korean food, with korean vibes ba, kung gusto mo doon tayo sa garden mamaya." Nakangiting wika diyan sa kaibigan. "Oo ba, na-miss ko na talaga iyon. Iyong pagsasanggup natin tapos yung sobrang daming kimchi, baka naman wala kang kimchi diyan alam mo naman na favorite ko iyon.

